^

Para Malibang

Island of the undead 69

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SAKTONG kopya niya o carbon copy ang nakikita ni Miley na bagong kaanyuan ni Reyna Coreana!

Hindi ito kayang tanggapin ni Miley, naging histerikal siya!

“Eeeeee! Hu-hu-hu-hu-huuu!”

Tumaas ang kilay ng ngayo’y super-ganda nang reyna ng mga Undead.

Para namang nakakainsulto ang dalagang tao, feeling nito.

Di ba dapat daw, maging proud si Miley na siyang isang reyna ang nanggaya sa ganda nito?

Meron pang isang tao na mas malakas ang reklamo.

Ang boyfriend ni Miley na si Blizzard. “HUWAG MONG BABUYIN ANG NOBYA KO!”

Gigil na gigil si Reyna Coreana, daig pa ng binatang tao ang asong tahol nang tahol.

Sa isang magical na kumpas ng kamay ay nabagong bigla ang katauhan ni Blizzard.

Naging ASO ito na tuloy sa pagtahol—pero ang ulo ay hindi nabago. Suddenly, ang ulo at mukha ni Blizzard ay nasa katawan ng asong kalye o marungis na askal!

“AWW-AWW-AWW-AAWW!”

Tumaginting ang halakhak ni Reyna Coreana. “Hi-hi-hi-hiii!”

Wala nang paglagyan ang kilabot at lagim ni Miley, hindi na ito nakayanan ng dalaga.

“Uuuunnn,”  ungol niya, parang kandilang super-bilis na naupos, nawalan ng malay-tao.

Nakita ng asong tao ang nangyari, nagwala na ito!

Tinalon si Reyna Coreana para kagatin! “WARRRWW!”

Kagat-kagat ni Blizzard sa braso ang reynang duplikado. Ibinaon niya nang husto ang mga ngipin sa pekeng kagandahan!

“Araay! Araaayy!” tarantang reaksiyon ng reyna, hindi malaman kung paano kakawala sa pagkakakagat ng asong tao!

Duda  nito, naulol na  si Blizzard!

Noon nahagilap ng reyna ng mga Undead ang kawali na katabi ng malaking kawa.

Ubos-lakas na ipinalo ito sa asong tao na naulol na nga yata. ITUTULOY

 

 

 

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARAAAYY

ARAAY

DUDA

EEEEEE

MILEY

NBSP

REYNA

REYNA COREANA

TAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with