^

Para Malibang

Sobrang selosa si Misis

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Edmund. Dalawang taon pa lang kaming kasal ng misis ko. Dati ko siyang classmate sa college. Sa maniwala ka o hindi, una at huli ko siyang gf pero alam kong dalawa na ang naging bf niya bago kami nagkarelasyon. Plain housewife siya at ako’y private employee. Masyado siyang selosa at iyan ang aking problema. Good boy naman ako at siya lang talaga ang babae sa buhay ko. Pero madalas niya akong awayin lalo na’t ginagabi ako ng uwi. Kung minsan kasi ay may overtime work ako. Anim na buwan pa lang ang baby namin at madalas kapag siya ay naghi-hysteria, nagigising ang bata at umiiyak. Paano ba magagamot ang sobrang selosa?

Dear Edmund,

Okey ang pagseselos kung nasa lugar. Pero kung nagiging unreasonable na, ito’y maaaring makasira sa isang relasyon. Bakit hindi mo siya i-date. Mamasyal kayo, manood ng sine o kumain sa labas as if magkasintahan lang kayo. Baka masyado na siyang nabo-bored sa bahay. Sa mga okasyon sa opisina ay isama mo siya at ipakilala sa mga katrabaho mo para mawala ang kanyang insecurity.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANG

BAKIT

DALAWANG

DATI

DEAR EDMUND

DEAR VANEZZA

EDMUND

MAMASYAL

MASYADO

PERO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with