Limitasyon sa sarili
May mga taong hindi sila nasisiyahan kapag pakiramdam nila ay masyadong nakukuha ng ibang tao ang kanilang “personal space”. Kaya naman nagreresulta ito ng iritasyon sa kanyang damdamin. Minsan, nahihiya rin siyang magsalita para sabihin na ayaw niyang makasalamuha ang isang partikular na tao. Ang ganitong mga uri ng tao ay mga “introvert”. Kung ganito ka paano mo nga mabibigyan ng proteksiyon ang iyong sarili? Dapat na magkaroon ka ng tinatawag na “internal boundaries”. Dahil ito ay para sa iyong sarili lang, mas magiging madali itong gawin. Narito ang ilang paraan:
Pigilan ang iyong sarili - Kapag pinipigilan mo ang iyong sariling gawin ang isang bagay, tiyak na hindi ito nakakatuwa sa iyong pakiramdam, pero sa totoo lang may idudulot itong benepisyo para sa iyong sarili. Maililigtas mo kasi ang iyong sarili mula sa anumang pang-aabuso mula sa ibang taong nakapaligid sayo. Mapipili mo rin ang mga kaibigan at kapamilya mo na maaari mong lapitan sa oras na magkaroon ng problema.
Napauunlad ang sariling limitasyon - Ang pagkakaroon ng limitasyon sa sarili ay maaaring mamana mo sa iyong mga magulang habang ikaw ay lumalaki. Kung nakikita mo naman na ito ay may malaking benepisyo sa’yo bakit hindi mo nga manahin at paunladin ito.
Kung sa tingin mo ay mas maraming tao na naghahangad na ikaw ay pagsamantalahan, mas mabuti pa rin na lagyan ng limitasyon ang iyong sarili para sa iyong kabutihan.
- Latest

















