^

Para Malibang

Nalilito sa manliligaw

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Yann, 20. May dalawa po akong masugid na manliligaw. Ang isa ay anak mayaman at ang ikalawa ay isang magsasaka at high school lang ang natapos. Pareho silang mabait at good looking. Malapit sila sa akin pero napi-feel ko na mahal ko yung anak mayaman. Wala pa akong sinasagot sa kanila. Natatakot po ako na kung sasagutin ko yung una baka sabihin ng tao na kayamanan lang ang habol ko sa kanya. Pero siya talaga ang itinitibok ng puso ko. Sabi ng iba, mas bagay kami nung pangalawa dahil pareho kaming ordinaryo ang buhay at masipag naman siya. Nalilito ako at nahihirapang mag-decide. Tulungan mo po ako.

Dear Yann,

Ikaw ang higit na nakakakilala sa dalawang manliligaw mo. Wala akong paraan para makilatis ang sino man sa kanila. Ngunit ang batayan kung sino sa kanila ang tatanggapin mo ay hindi lamang dapat ang dikta ng iyong damdamin. Dapat ibabatay mo rin ang desisyon sa kanilang pagkatao at kung sino sa kanila sa palagay mo ang tunay na nagmamahal sa’yo. Ngayon, kung sa tingin mo’y pareho silang tapat, doon mo bayaang magpasya ang iyong puso. Huwag mong intindihin ang sasabihin ng tao. Ang mahalaga’y pinili mo ang tunay mong mahal.

Vanezza

vuukle comment

ANG

DAPAT

DEAR VANEZZA

DEAR YANN

HUWAG

IKAW

MALAPIT

NALILITO

NATATAKOT

NGAYON

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with