^

Para Malibang

Sandaling kaligayahan

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Mayroon akong gf at nagsama kami sa loob ng 5 years. Nagtanan kami dahil ayaw sa akin ng mga magulang niya dahil mahirap lang kami. Ang akala ko tuluy-tuloy na ang maligayang pagsasama namin ngunit natunton nila kami at sapilitang isinama ang mahal ko. Wala akong nagawa dahil may kasama silang mga pulis. Lumipas ang ilang taon, nabalitaan ko na lang na nagpakasal na sa iba ang gf ko. Dito nagsimula ang pagiging magulo ng buhay ko. Nakalimutan ko ang hinahanap kong pansamantalang paglimot sa kasawian sa isang kaibigan. Pero ang kaibigan kong ito ang nagturo sa akin ng paggamit ng droga. Ang bisyong ito ang nagbulid sa akin para makagawa ng krimen. Heto ngayon ako nagdurusa at nagsisisi. May kinabukasan pa kayang naghihintay sa akin? Salamat po sa inyong payo. - Beni

Dear Beni,

Nakalulungkot na naging maikli lang ang kaligayahang pinagsama ninyo. Sayang na naging mahina ka sa pagharap sa problema at ang napagbalingan mo ay isang kaibigan na siyang nagturo sa iyo ng masamang bisyo. Pero nariyan na yan at hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan. Kalimutan mo na ang mapait na bahagi ng iyong buhay. May kinabukasan ka pa ‘wag ka lang mawalan ng pag-asa. Manalangin ka sa Dios na gabayan ka Niya at matutuhan mo ang landas sa pagbabago. 

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

ANG

DEAR BENI

DEAR VANEZZA

DIOS

DITO

HETO

KALIMUTAN

LUMIPAS

MANALANGIN

MAYROON

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with