^

Para Malibang

Island of the undead (20)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

ANG lambing ng boses ni Reyna Coreana nang magising, tinawag ang dalawang buhay na alipin.

“Uhm, Miley and Blizzard ... oras na ng paligo ko. Undress me, Blizzard ...”

Gusto na namang himatayin ni Blizzard pero pinandilatan siya ni Miley. “Just do it!”

“Ikaw naman, Miley ... gusto kong suklayan mo ang buhok ko. Bago kasi mabasa ng tubig, I want my hair in perfect place.”

“Yes, mahal na reyna.” Buong tapang na sumagot si Miley nang nakangiti pa.

Si Blizzard, habang tinatanggal ang damit ni Reyna Coreana ay ayaw tumingin sa nabubulok nitong katawan.

May nakikita pa nga siyang kumikislut-kislot na uod sa may dibdib ng reyna.

God ... bakit naman po nagkakaganito ang kapalaran namin ni Miley? Thank you po na binuhay ninyo kami pero ano naman po ang kapalit?

Sinusuklayan naman ni Miley ang reyna. Nandidiri rin naman siya dahil ang anit nito ay nababakbak na. At nakikita na ang laman ng bao ng ulo. May mga uod din sa loob.

Problema pa niya dahil marami nang buhok ang nalalagas, sumasama sa signature na suklay na ipinagamit sa kanya ng reyna.

Para hindi sa kay pangit na nakikita ma-focus ang isip ng matapang na dalaga, nakiki­pagkuwentuhan na lang siya sa reyna.

Gusto rin naman niya kasing makuha ang loob nito. At curious din siya kung paanong nagkaroon ng mga undead sa islang ito.

Kung paano nagsimula. She always has a curious mind, sila ni Blizzard. Palibhasa matatalino.

“Mahal na reyna, mamahalin po itong suklay ninyo. Sikat na signature comb ito sa Amerika. Regalo po sa inyo?”

“Ano ka ba? Sino naman ang makakapagre­galo ng ganyan sa akin dito sa isla? Tulad nitong signature dress ko at signature shoes, nakuha ito ng mga tauhan ko sa mga luxury ships at eroplano na nadisgrasya diyan sa dagat.”

“Ay, gano’n pala. Sorry po, hindi ko naisip.”

Hubad na hubad na ang undead na reyna at nasuklay na rin ang nabubulok na buhok.

“Miley, buhusan mo na ako ng tubig. Tatlong tabo muna, dahan-dahan. Baka maraming flesh na malalaglag.”

Ginawa naman ni Miley.

“Now, Blizzard ... hiluran at sabunan mo na ako. Dahan-dahan din ha?” Itutuloy

vuukle comment

ACIRC

AMERIKA

ANG

ANO

BLIZZARD

MILEY

MILEY AND BLIZZARD

NAMAN

REYNA

REYNA COREANA

SI BLIZZARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with