^

Para Malibang

Kalma rin ‘pag may ‘time’

Pang-masa

Kahit pa gaano ka kakalmadong tao, dumarating ka pa rin sa panahon na naguguluhan ka sa iyong kapaligiran kaya nagreresulta ng iritasyon sa iyong buhay. Narito ang ilang paraan kung paano ka magre-relax:

 Tumawag sa telepono at huwag mag-text – Sa isang pag-aaral sa University of Wisconsin-Madison, lumalabas na mas makabubuting tumawag sa telepono kaysa sa mag-text kung mayroong sasabihin sa isang tao. Nakakababa umano ng stress kapag nakakarinig ng boses ang isang tao at tumataas naman ang hormone na oxytocin sa katawan na nagiging sanhi para sumaya at guminhawa ang pakiramdam ng tao.

Magmeryenda ng maasim na pagkain – Ayon sa psychologist  na si Dale Atkins, may akda ng Sanity Savers, ang pagkain ng orange o grapes ay nakakapagpaganda rin ng mood ng isang tao.

 Ngumiti – Sa pag-aaral naman sa University of Kansas, ang pagtawa o pagngiti ay nakakatulong sa tao para ma-relax kapag nakakaramdam ng stress. Lumalabas pa na ang taong galing sa isang nakakapagod na trabaho ay agad na nare-relax sa oras na siya ay ngumiti.

Iwasan ang pagiging negatibo – Ang negatibong pakiramdam ay talaga naman nakakahawa, kaya kung masama ang iyong pakiramdam at ayaw makahawa, isulat na lang sa isang diary ang iyong nararamdaman.

 Magkape kasama ang mga kaibigan – Iwasan daw ang pagkakape mag-isa, mas makakaramdam kasi ng lungkot at stress, kaya kung magmemeryenda o magkakape dapat na may kasama ka, kausap at katawanan.

               

 

ANG

AYON

DALE ATKINS

ISANG

IWASAN

KAHIT

NBSP

SANITY SAVERS

STRONG

UNIVERSITY OF KANSAS

UNIVERSITY OF WISCONSIN-MADISON

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with