^

Para Malibang

Ok ba na babae ang manligaw?

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa po akong tindera ng isda sa Navotas. May bf ako pero may crush ako na nagtitinda naman ng gulay sa kalapit na puwesto. Bago lang sila at bukod sa guwapo siya, sa tingin ko ay responsableng anak. Siya lang ang kasa-kasama ng kanyang ina sa pagtitinda. Ang problema ko ay hindi niya ako pinapansin. Minsan sinubukan kong kausapin siya. Pero matipid lang ang sagot niya. Kapag nagmemeryenda ako, inaalok ko siya pero ayaw niyang tanggapin. Ang hirap palang maging babae. Kahit may gusto ka sa lalaki ay hindi mo masabi. Yung bf ko tinatabangan na ako sa kanya dahil napa­kadalang niya lang akong dalawin. - Minyang

Dear Minyang,

Hindi dapat magtapat ng pag-ibig o magpakita man lang ng motibo ang isang babae sa lalaki. Babae ang nililigawan at hindi nanliligaw. Ituloy mo lang ang pakikipag-kaibigan sa kanya. Maaring nahihiya pa siya dahil nga bago lang sila sa puwesto o ‘di kaya’y naiilang siya at hindi sanay na “sinusuyo” ng babae. Kung may gusto siya sa’yo, bayaan mo siyang magtapat. At kung ayaw mo na sa bf mo, tapatin mo siya at makipag-break ka. Kung madalang pa sa patak ng ulan kung dalawin ka, ibig sabihin ay tinatabangan na siya sa iyo.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

DEAR MINYANG

DEAR VANEZZA

ISA

ITULOY

KAHIT

KAPAG

LANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with