^

Para Malibang

Hinanakit ng bilanggo

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Nagkahiwalay po ang aking ama at ina noong 4 na taong gulang ako at hindi ko alam ang simula ng paghihiwalay nila ng landas. Nag-asawa agad si nanay. Ang akala ko nung una mabait ang amain ko. Pero hindi pala. Palaging lasing at ako ang laging napagbabalingan. Sa konting pagkakamali ay sinasaktan ako at lagi niyang sinasabi sa akin na lumayas na ako. Edad 12 na ako ng umalis sa bahay namin. Sumakay ako ng barko pa Maynila mula sa Masbate at napadpad ako sa Quiapo. May nakilala akong isang ka-edad ko rin. Ipinakilala niya ako sa tatay niya. Inalok ako ng tatay niya na sa kanila na tumira at pumayag ako. Hindi nagbago ang kanilang pagtingin sa akin hanggang sa magbinata na ako. Minsan mayroon akong dinaluhang sayawan at hindi ko alam na ito ang pagsisimulan ng aking malungkot na buhay. Hindi sinasadya, nakadisgras-ya ako ng tao kaya nakakulong ako ngayon. Gusto kong kamuhian ang aking mga magulang dahil sa pagpapabaya nila sa akin? Kinasabikan ko ang kanilang pagmamahal na hindi ko naramdaman kaya ako naligaw ng landas. - Butchoy

Dear Butchoy,

Huwag mo nang kamuhian ang iyong mga magulang sa pagkakahiwalay nila. Mayroong mga pangyayari sa ating buhay na hindi natin puwedeng kontrolin. Naglayas ka at ang kinasapitan mo ay ibayong problema dahil nakulong ka. Sikapin mong hanapin sila sa sanda-ling makalaya ka. Kahit may umampon sa’yo, iba pa rin ang kalinga ng magulang. Walang ibang tunay na makakaunawa sa iyo kundi ang iyong mga magulang. Hindi pa huli ang lahat. Manalig ka sa Diyos at hindi ka Niya pababayaan.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AKO

BUTCHOY

DEAR BUTCHOY

DEAR VANEZZA

DIYOS

EDAD

HUWAG

INALOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with