^

Para Malibang

Magandang kalusugan at positibong pananaw

BODY PAX - Pang-masa

Sa kabila ng naranasang kalamidad, mga pangit na nangyari sa ating gobyerno at kung anu-ano pang sigalot at nakakalungkot na pangyayari sa ating bansa sa nagdaang panahon  kaya mo pa bang maging positibo ngayong darating na taong ito? Ilang beses mo na bang narinig sa iyong kaibigan, officemates, o sa iyong asawa na “Think positive” kapag ikaw ay depressed, galit, balisa, at laging negatibo ang pananaw?

Karaniwang ito ang gusto mong marinig pero nahihirapan kang gawin ito sa pisikal man o emosyon. Pero kung ito ay iyong magagawa sa pang araw-araw mong pamumuhay malaki ang maitutulong nito sa iyong kalusugan.

Ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa iyong buhay ay maaaring magdulot ng maayos na kalusugan upang humaba ang buhay. Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa ang mga taong may positibong pananaw ay may mahabang buhay, mababa ang nararamdamang depresyon, mababa ang lebel ng stress, malakas ang resistensya sa ubo at sipon, may magandang pangangatawan, mababa ang panganib ng sakit sa puso at higit sa lahat ay kayang labanan o harapin ang anumang pagsubok na dumarating.

Sa pag-aaral na ito ipinakikita ang mga taong positibo ang pananaw ay mahaba ang buhay, maligaya, malusog at nagiging matagumpay sa buhay kaya’t kung gusto mong maging maligaya ang iyong buhay maging positibo sa lahat ng oras.

Anuman ang iyong nararanasang pagsubok o suliranin la­ging isa-isip na ang lahat ay kayang malampasan kung ang pananaw mo ay positibo at laging may pag-asa anuman ang kinakaharap.  

Naririto ang ilan sa gabay upang magkaroon ng positibong pananaw sa buhay ngayong bagong taon 

1. Alisin sa isip na kalaban mo ang mundo. Alisin mo sa isip na madilim ang langit para sa’yo dulot ng mga kasawiang iyong naranasan. Walang taong ipinanganak na kalaban ang mundo bagkus ang mundong ginagalawan ang nagbibigay kaligayahan sa atin. Kung anuman ang iyong pinagdadaanan marapat na harapin ito ng may magandang disposisyon upang malampasan gaano man ito kabigat. Isaisip na darating din ang tamang panahon at liliwanag din ang iyong buhay.

2. Isipin kung anong kayang gawin. Hindi mo kailangang maging dahilan o biktima ng pagkakataon. Kung ikaw ay hindi masaya sa nangyayari sabuhay mo ngayon, gumawa ka ng goal sa buhay mo at  kumilos. Gamitin mo ang mga pinagdaanang  hindi maganda sa buhay para maging matatag at makapagdesisyon ng maayos. Kasama sa pang-araw-araw na pamumuhay ay ang pagharap sa pagsubok kung ikaw man ay nabigo huwag mawalan ng pag-asa bagkus gamitin ang pinagdaanan upang maging matatag sa susunod na pagsubok na kakaharapin.

3. Gumamit ng mga positibong kataga. Sumulat ng mga magpapaalala sayo ng mga dapat mong baguhin sa iyong pamumuhay. Ilagay ito sa lugar na lagi mong makikita ito katulad ng salamin sa batalan, sa loob ng iyong locker, sa monitor ng iyong computer o kahit sa dingding ng iyong kuwarto. Makakatulong ito upang hindi magwlit sa iyong isipan ang mga bagay na dapat mong baguhin o gusto mong mabago.

 

vuukle comment

ALISIN

ANUMAN

BUHAY

IYONG

KUNG

MONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with