^

Para Malibang

Ipinagpalit sa iba

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Sana po ay matulungan ninyo ako sa problema ko. Nagsimula po ito ng pumasok sa fast food na pinagtatrabahuan ko si Lovi. Mabait siya at napaka-sweet kaya love at first sight ako sa kanya. Masuwerte naman ako dahil minsang nagkausap kami ng sarilinan, inamin niya sa akin na crush niya ako. Naging mag-on kami. Napamahal siya ng husto sa akin. Noong una’y masayang-masaya kami. Pero hindi ito nagtagal. Hanggang isang araw ay sinabi niya sa akin na mag-cool off muna kami. Ayaw niyang sabihin kung bakit. Mula noon ay hindi ako makakain at makatulog. May nakapagbalita sa akin na nakita si Editha sa isang mall na may kasamang lalaki. Magka-holding hands pa. Mahal na mahal ko po siya at ayaw kong mawala siya sa akin. Ano ang gagawin ko? - Jopeth

Dear Jopeth,

Ituring mong blessing ang nangyari dahil agad mong nakilala ang pagkatao ng girlfriend mo. Paano kung kasal na kayo at pinagtaksilan ka niya? Mas masakit. Kaya huwag mong dibdibin ang nangyari. Sadyang ganyan sa pag-ibig, may nabibigo. Kahit mahal mo siya, may mahal na siyang iba. Pag-aralan mo na siyang kalimutan. Makakakita ka rin ng babaeng mas karapat-dapat sa’yo.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

ANO

AYAW

DEAR JOPETH

DEAR VANEZZA

EDITHA

HANGGANG

ITURING

JOPETH

KAHIT

KAYA

LOVI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with