^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (77)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NATARANTA at natakot si Tatiana nang makita sa mga pader ang nakapaskel na mukha niyang may nakasulat na Wanted Dead or Alive.

Kung gayon pala ay posibleng merong babaril na lang sa kanyang ulo, at siya’y mamamatay!

Kapag nagkataon ay hindi na pala makauuwi sa kanilang uniberso ang kaluluwa ni Tatiana; magpapalutang-lutang sa ibabaw ng mundo ang ispiritu.

Nakaisip nga agad ng solusyon si Tatiana. Papalitan niya ang anyo, mag-iiba ng mukha.

“Hayun! Ang ganda niya!” sabi ni Tatiana sa sarili, nakatingala sa billboard ng isang sikat na Hollywood actress—si Angelina Jolie.

Sa isang iglap, pasimpleng naging kamukha na ng Hollywood actress ang babaing alien.

Epektibo ang paraan ni Tatiana, hindi siya nakilala ng mga nakasalubong na pulis. Walang kamalay-malay ang mga nagsisipaghanap na nasa paligid lang ang babaing Wanted Dead or Alive. 

 Samantala’y napansin agad ng marami ang kakaibang ganda ng babaing naglalakad sa sidewalk.

 Sila’y napapatitig, napapalingon sa kaakit-akit na Amerikana.

Ngumingiti lang sa mga ito si Tatiana.

Mayamaya’y naalarma si Tatiana ng pagkakagulo ng mga taong palapit sa kanya, mula sa kaliwa, kanan, harapan at likuran.

 Pero bakit nakangiti at nagtatawanan ang mga ito?

Nagsisigawan din, anyong masasaya.

 “Si Angelina Jolie nga! Magpa-autograph tayo!”

“Oo! Bilis!”

 Hindi alam ni Tatiana, nabulabog niya ang mahihilig sa Hollywood movies.

 Saglit pa’y dinumog na siya ng mga tagaha­nga,

 “Miss Jolie, autograph please!”

  “Me also, Miss Angelina!”

 Agad namang naunawaan ni Tatiana ang bagong papel; nakangiting nagpaunlak ng autograph.

 Natunugan siya ng mga taga-media, nataranta sa mga tanong ng matitinik na reporters. (ITUTULOY)

 

vuukle comment

AMERIKANA

ANGELINA JOLIE

MISS ANGELINA

MISS JOLIE

SI ANGELINA JOLIE

TATIANA

WANTED DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with