^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (32)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“WHOEVER you are, miss, I love you!”  Taos sa puso ang mga salita ni Dexter kay Tatiana. Ang huli ay nakatayo sa  2nd floor, pagkaganda-ganda sa minidress.

Kita ang magagandang long legs ng dalagang taga-ibang planeta.

Tipid ang buka ng bibig ni Tatiana, tiniyak na hindi makikita ang mga ngipin at pangil na matutulis.

“Ano ang name mo?” tanong niya sa binata.

“Dexter. Inaanak ako ni Ninang Sofia.  Ikaw?...” Kung ano raw ang pangalan ng dalaga, tanong ni Dexter.

Napapalunok si Sofia. Kapag nagkatao’y  kaydami niyang ipaliliwanag kay Dexter.

“Just call me Luna,” sagot ni Tatiana, ewan kung alam na complicated kapag nagsabi ng tunay na pangalan.

“Luna, kaygandang pangalan. Luna...”

“Lunatic. Hi-hi-hii!”

“Ha-haha! I like your sense of humor, Luna. Nakakaaliw!”

Unti-unti nang bumaba ng hagdan si Tatiana alias ‘Luna’. Talyada, parang reyna ang tindig.

Lalo namang nadagdagan ang paghanga ni Dexter. Tingin niya kay ‘Luna’ ay ang pinakamagandang dalaga sa balat ng Lupa.

Naupo sila sa sala set sa ground floor.

Pangiti-ngiti sila sa isa’t isa, tila nagkakahiyaan.

Pero hindi ikinahihiya ni Dexter ang damdamin. “Gaya ng nasabi ko na awhile ago, Luna, I love you and I want to marry  you”.

Si Sofia ay naupo sa unang baytang ng hagdan, para nang mawiwiwi sa nerbiyos.

Natatakot nga si Sofia na bigla na lang kakainin ng kanyang anak ang kanyang inaanak.

Lihim tuloy siyang nagdarasal, humihingi ng awa sa Diyos. “Huwag Mo pong itulot na makain ni Tatiana si  Dexter”.

Mabilis si Dexter, nahawakan agad sa kamay si ‘Luna’.

Hindi naman ito binawi ng dalagang alien. Nginitian pa nga si Dexter nang napakaganda.

It was a captivating smile, ngiting nagpabilis sa tibok ng dibdib ni Dexter.

Nais niyang halikan si ‘Luna’. (Itutuloy)

vuukle comment

ANO

DEXTER

DIYOS

GAYA

HUWAG MO

LUNA

NINANG SOFIA

SI SOFIA

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with