^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (27)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SA UNANG  pagkakataon ay humulagpos ang galit ni Sofia sa anak sa taga-ibang planeta. “Tatiana, alam mo bang puro special food ng mister ko ang inubos mo?! Hindi mo dapat basta kinain nang wala akong permiso!“

Lumarawan sa mukha ng dalaga ang pagdaramdam sa ina. “Bawal pala akong basta kumain ng special food, ha, Mommy?”

Natigilan si Sofia, nadamang nasaktan ang damdamin ng anak. “I...I didn’t mean that. Wala akong intensiyong saktan ka, Tatiana”.

“Pero iyon mismo ang ginawa mo, Mommy! You hurt me so much!”

“Sorry na nga, Tatiana, anak. Anyway ako na ang bahalang magpaliwanag sa ama-amahan mo. Siguro’y kaya akong intindihin ng Daddy Almario mo”.

“Huwag ka nang mag-apologize sa kanya, Mommy. Gagawan ko na lang po ng paraan”.

“Anong paraan?” usisa ni Sofia.

“Mommy, meron pang photo energy na naiwan dito sa mesa.  Nakikita ko pa ang malaking bowl ng macaroni salad pati ang isang bowl ng spaghetti-bolognese”.

Hindi  maunawaan ni Sofia ang sinasabi ni Tatiana. “Anong photo energy, anak?  Ngayon ko lang narinig ‘yan...”

“Mommy. Di ba nasabi ko na po, kami sa a­ming uniberso ay milya-milya ang dunong kaysa sa tao... right now, dahil sa photo energy na nasa harapan pa natin, mabubuo ko ang naubos kong special food ng mister mo”.

Iyon nga ang saktong ginawa ni Tatiana. Sa paraang kaparis ng reverse o rewind, unti-unting naibalik ni Tatiana ang special food ni Almario.

Out of thin air, mula sa kung saan, bigla ngang lumitaw sa dining table ang dalawang bandehado ng macaroni salad at spaghetti Bolognese!

Hindi makapaniwala si Sofia. “Awesome!”

Iyon nga mismo ang mga naubos na pagkain ni Tatiana, parang magic na lumabas muli!

Tinikman pa ni Sofia ang lasa. “Jesus...ito nga!”

“Ngayon po ba, Mommy, puwede ko nang ituloy ang pagkain ko ng pagkaing Hindi  espesyal?”

Napalunoksi Sofia, napahiya. Alam kung ano ang tinutukoy na pagkain ni Tatiana.

Saglit pa nga ay nanginginain nang muli ng graba ang babaing kayang kainin ang lahat. (ITUTULOY)

 

vuukle comment

ALAM

ALMARIO

ANONG

DADDY ALMARIO

IYON

NAPALUNOKSI SOFIA

NGAYON

SOFIA

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with