^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (14)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

MABALIW-baliw na naman si Sofia sa nasaksihang karahasan at kabangisan ni Tatiana.

Kitang-kita nila ni Almario ang pagkagat ng batang babae sa kamay ng worker sa bakahan; naputol ang isang kamay nito mula sa ibaba ng bisig! At parang hindi pa sapat iyon, nginalot pa ng bata ang naputol na kamay! Kinain nang buo pati buto! “Eeeee! Aaaahhh!” Nagsigawan ang mga trabahador ng bakahan na nakasaksi sa madugo-malagim na eksena.

Mayamaya’y nakabawi, hinila nila ang lambat na kinakukulungan ni Tatiana. Ang iba’y kumuha na ng pamalo at itak, handang patayin ang bata kung hinihingi ng pagkakataon.

Pero hindi na napigil si Tatiana. Pati matibay na lambat ay kinain na rin nito. Nakawala agad si Tatiana.

 Nang makita si Sofia ay parang ordinaryong batang nagsumbong. Naghanap ng kakampi.

 “Mommy, masama sila! Inaaway nila ako!”

Si Almario ang kumontrol sa sitwasyon, nag-utos. “Dalhin n’yo agad ‘tong kasamahan ninyo sa emergency ng ospital! Isakay sa service! Susunod na ako ngayundin!”  Kasakay ni Almario si Sofia at si Tatiana. Nasa likurang upuan ang mag-ina. Iyak nang iyak si Sofia.

“Huwag mo talagang hayaan na makain ako ng batang ‘yan, Sofia! Makakalimot na talaga akong anak mo ‘yan kapag nagkataon!”

Hindi na rin alam ni Sofia kung paano ang gagawin sa anak. “Bakit mo pinutol ang kamay ng tauhan natin, Tatiana? Bakit ka kumain ng kamay ng tao?”  Walang katwiran ang katwiran ng bata. Parang dahilan ng namimilosopong lasing. “Kasi po, Mommy, gutom ako kanina... Kapag po ako nagugutom, dapat akong kakain...”

“Hindi dapat kinakain ang anumang bahagi ng tao, Tatiana!  Ang gumagawa lang  n’on, cannibal!”

 Namilog ang mga mata ng bata. Iba ang nasa isip.

“Wow... gusto ko po sa carnival!”

Napapailing si Almario habang nagda-drive. Tanga rin pala paminsan-minsan ang anak ng taga-ibang planeta, kanyang naunawaan.

Ipinarada ni Almario ang kotse at nagtuloy na sa ER ng ospital, Naiwan ang mag-ina sa parking area. 

(ITUTULOY)

vuukle comment

AAAAHHH

ALMARIO

BAKIT

DALHIN

EEEEE

HUWAG

SI ALMARIO

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with