^

Para Malibang

Ang napapala ng palikero

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Dati po akong palikero. Sa kabila nito, malungkot akong nag-iisa ngayon. May mga kapatid ako at mga kamag-anak na malalapitan pero ayaw ko naman na maging pabigat sa kanila. Naalala ko tuloy ang babae na minsan kong minahal at nagbunga ang aming pagmamahalan pero pinaglayo kami ng tadhana. Hindi ko na inaasahang magkikita pa kaming muli. Hindi ko na rin pinag-iisipang magpamilya pa at ito naman ay tanggap ko na. Sana’y mabigyan n’yo ako ng payo kung paano mapapawi ang kalungkutan sa buhay lalo na ang malungkot na pag-iisa. Salamat po.

- Vic

 

Dear Vic

Talagang malungkot kung nag-iisa. Kung wala ka na talagang balak mag-asawa, bakit hindi mo alamin ang kalagayan ng babae na minahal mo at nagkaanak ka? Malay mo, na­ngungulila rin sila sa iyo sakaling wala pa siyang ibang pamilya. Kung hindi naman, subukan mong iukol ang panahon mo sa makabuluhang mga gawain. Maaaring sa gawaing ispiritwal o sa pag-agapay sa mga kamag-anak o iba pang gawain kung saan ka interesado.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

DATI

DEAR VANEZZA

DEAR VIC

MAAARING

NAALALA

SANA

SUMASAIYO

TALAGANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with