^

Para Malibang

Dalawa kami sa puso niya

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

May kaibigan po akong girl. May bf siya at ako naman po ay walang gf. Nagkakilala kami dahil sa isang kaibigan namin. Noong una ay biruan lang ang nangyari sa amin pero habang tumatagal ay nai-inlove po ako sa kanya. Nagtapat po ako sa kanya at sinagot naman niya ako. Mahal din daw niya ako at ramdam ko po ‘yun. Iginagalang ko rin po siya kaya hindi ko siya papipiliin kung sino sa amin ng bf niya ang pipiliin niya. Dapat ko bang iwasan o ibaling na lang sa iba ang pagmamahal ko sa kanya o maghihintay ako sa kanya? Willing naman po akong maghintay sa kanya kung sakali dahil mahal ko naman po talaga siya. - Elvis

Dear Elvis,

Matapos ka niyang sagutin ay tila biglang gusto mong iwasan siya. Hindi kaya nakokonsensiya ka lang dahil batid mong may nobyo ang kaibigan mo pero niligawan mo pa rin? Nilagay mo lang tuloy ang sarili mo sa alanganin. Kung naaalangan ka na dalawa kayo sa kanya, kausapin mo ang iyong nobya. Depende sa isasagot ng gf mo ang magiging pasya mo. Kung hihintayin mo siyang mag-break sila ng bf niya, o tuluyan mo na lang kakalimutan ang pagmamahal sa kanya at ibabaling sa iba.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AKO

DAPAT

DEAR ELVIS

DEAR VANEZZA

IGINAGALANG

KANYA

MATAPOS

NAGKAKILALA

NAGTAPAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with