^

Para Malibang

The ghost of ‘Padre Tililing’(39)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

 SA ABOT ng dunong ni ‘Padre Tililing’, inisip nito na nagkaroon ng paglikas ng libu-libong ibon mula sa ibang bansa—siguro ay mula sa napakalamig na lugar ng mundo.

At bakit namatay ang super-daming ibon pagdating na sa ‘Pinas?

  “Napadaan sila sa mabahong lugar, sa sunugan ng nabubulok na basura.”

Nais manlumo ni ‘Padre’. “Dumayo pa sila sa bansa para lang mamatay.”

May sentido-kumon naman ang mga tao. Sinuri nila ang bagong kamamatay lang na mga ibon. Ito ba ay ligtas kainin?

Ang multo ni ‘Padre’ ay alam na ang mangyayari. May libreng makakain ang mga tao sa susunod na ilang araw.

“Purihin ang Diyos,” nausal ni ‘Padre’.

SA LUGAR nina Simon, kapansin-pansin na may mga sandali ng pagdududa sa sarili si Miranda.

“Ano ba ang gumugulo sa isipan mo?” tanong ni Simon.

 “Simon...ako ba ay nakasasama sa pagkatao mo?”

Napabuntunghini­nga si Simon. “Miranda, para mo na ring tinanong—kung ang hangin ay basa o tuyo.”

“Gusto kong umiyak, mahal,” sabi ni Miranda. Umiyak na nga ito.

ANG MULTO ni ‘Padre Tililing’ ay nag­lalakbay sa kalawakan. Siya ay parang isang batang kinulang sa laro.

Nagpapalipat-lipat siya sa mga ulap, nasusundot ang mga balumbon na puno ng tubig.

Bigla na lang tuloy umulan sa ilang bahagi ng bansa.

Weeeinngg. Napaigtad ang ‘padre’. Muntik na muntik na kasi siyang masapol ng napakabilis na passenger plane.

Naunawaan niyang papunta ito sa Tsina.

Walang babalang hinabol ng ‘padre’ ang eroplano; wala rin pasintabing lumulan dito.

Nalimutan pa naman maging invisible; nakita ng mga sakay ng eroplano.

Nagkaroon ng gulo sa loob ng sasakyang panghimpapawid.

“Eeeeee! Aaahhh!” Sigawan-tilian ang mga pasahero.

Maymaya lang, napakabilis nang bumulusok ang sasakyang-panghimpapawid.

Sa bundok ito  sumambulat na parang higanteng bola ng apoy! ITUTULOY

vuukle comment

AAAHHH

ANO

BIGLA

DIYOS

DUMAYO

MIRANDA

PADRE

PADRE TILILING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with