^

Para Malibang

Bakit sila payat?

Pang-masa

Ito ay huling bahagi ng paksa para malaman kung bakit napapanatili ng ibang tao ang kanilang magandang timbang at napapanatili ang pagiging “slim”. Narito ang ilang tips:

Avocados – Dahil ang prutas na ito ay malaman at tunay na nakakapag-alis ng gutom, maiiwasan mong kumain ng iba pang pagkain mataas ang carbohydrates. Sa katunayan, anim na oras kang makakaramdam ng kabusugan kapag kumain ka nito. Mayaman din sa L-carnitine  at amino acid ang avocado na siyang nagpapabilis ng iyong metabolism. Sa isang pag-aaral, lumalabas na ang mga taong mahilig kumain ng avocado ay mas maliit ang baywang at mas seksi. Kaya kung nakakaramdam ng gutom, kumain na lang ng avocado sa halip na tinapay na may palamang mayonnaise o butter.

Itlog – Kung ikaw ay kumakain ng tila parang construction worker sa umaga, bakit hindi mo palitan ng isang pirasong itlog ang isang bandehadong kanin na iyong kinakain? Ang mga taong kumakain ng pagkaing mataas sa protina sa umaga pa lang ay hindi agad nagugutom. Sa katunayan, kapag kumain ka ng pagkaing gaya ng itlog sa umaga ay nakakaligtas ka ng magutom at hindi ka madadagdagan ng 200 calories sa iyong katawan. Mainam na maglaga ng itlog sa gabi, palamigin at itabi sa fridge saka baunin sa pagpasok mo sa umaga, at presto! Busog ka ng matagal na oras.

Spinach – Mahusay na pamalit sa kanin ang spinach o mustasa. Dahil mas mababa ang calories nito kumpara sa ibang pagkain at mataas naman ang iron na siyang tumutulong sa iyong katawan na magkaroon ng mataas na lebel ng energy.

vuukle comment

BUSOG

DAHIL

ITLOG

KAYA

MAHUSAY

MAINAM

MAYAMAN

NARITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with