^

Para Malibang

Aswang family (60)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SIMPLE ang kaligayahan ng masamang fairy at ng bading na kapre. Kapalit ng gagawing pagliligtas nila sa mga survivors ng eroplano, nanghingi si Mang Sotero ng make-up kit sa babaing pasahero; si Adwani naman ay humiling sa kapitan ng eroplano ng ice cream.

Parang batang nag-indulge sa chocolate ice cream ang nakabikining diwata. “Sarap-sarappp. Hi-hi-hiii.”

Hindi malaman ng kapitan ng eroplano at ng mga survivors kung sila’y tatawa o kikilabutan sa nagaganap. Totoo bang sila ay dadalhin sa kaligtasan ng dalawang kakaibang nilalang na identified sa mga kampon ng kadiliman?

“Excuse me, wala pa kaming natatanaw na island. Saan tayo…?” Nag-aalala na ang kapitan. “Bakit hindi ninyo gamitin ng mga tauhan mo, kapitan, ang inyong gadgets? ‘Yang bigay ko sa iyo, state-of-the-art. Kumontak kayo sa mga naghahanap na sa inyo,” mahabang sabi ni Adwani, patuloy sa pagnamnam sa ice cream. “A-actually, nagawa ko na ‘yon…hindi nga lang ako makakontak directly, Miss Fairy Whatever,” sabi ng kapitan.

Natawa si Adwani. “Call me Fairy of the Ocean, Captain! Ha-ha-ha!”

Tinanaw nila ang eroplanong nakalutang sa gitna ng ocean.

“EEEEE!” tili ng mga survivors, mga babae.

Kitang-kita kasi na unti-unti nang lumulubog muli ang eroplanong nag-crash. Kanina lang ay kasama sila noon sa pusod ng dagat.

SA BAHAY na bato, mamatay-matay na sa pag-aalala kay Mang Sotero sina Shalina, Greco at Aling Mameng. Maghapon nang nawawala ang matandang lalaki.

Hindi na  matapus-tapos ang pag-iyak ni Aling Mameng. “Hu-hu-huu. Kung kailan dapat ay payapa na kami ni Sotero…kakaunti na lang ang aming buhay, bakit pinakialaman pa ni Adwani?”

“Inay, palagay ko’y hindi naman papatayin ng masamang diwatang ‘yon si Itay…sobrang mahal niya si Itay…” “Alam n’yo bang…pagabi na naman?” napapailing na sabi ni Greco.

“Pero tapos na ang pagbibilog ng buwan,” sabi ni Shalina. “Hindi tayo magiging aswang ngayong gabi…” (ITUTULOY)

 

                  

                 

               

 

vuukle comment

ADWANI

ALING MAMENG

BRVBAR

FAIRY OF THE OCEAN

MANG SOTERO

MISS FAIRY WHATEVER

SHALINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with