^

Para Malibang

Aswang Family (31)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NANG gabing magiging aswang muli ang buong pamilya, ang mag-asawang Shalina at Greco ay parehong sa sagingan nagkubli. Ganoon din sina Aling Mameng at Mang Sotero, sa sagingan din magpapalit ng anyo--bilang aswang at kapre.

Sina Greco at Shalina ay sabay na magbabago ng katauhan—isang tikbalang at isang manananggal.

Hindi pa rin ipinagtatapat ni Shalina sa mga kapamilya ang kabastusang ginawa ni Iskong sintu-sinto; na ang baliw-baliw na binata ay nakialam sa kanyang pang-ibabang katawan.

May pagbabago namang ginawa si Shalina. Hindi na siya naka-miniskirt; nakasuot na ng paldang hanggang sakong.

At sa pinakatagong bahagi ng sagingan iiwan ang kaputol na katawan. Umaasa si Shalina na hindi na matutuklasan ng sintu-sinto ang kanyang pang-ibaba.

Walang alam si Greco na siya ay namumrublema sa kapurihan.

Inililis ni Greco ang mahabang palda ni Shalina. Sinuri ang mga saplot na panloob ng magandang misis.

Kulay-itim ang panties ni Shalina, na nasa loob ng makapal na white shorts. “Mabuti, doble ang proteksyon mo sa langgam. Hindi ka basta makakagat sa maselang bahagi.”

Hindi masabi ni Shalina na hindi langgam ang kanyang kinatatakutan.

Kundi si Iskong sintu-sinto. “B-baka makita na naman ng bastos.”

“Shalina, Greco, Mameng-- dito rin tayo magkikita-kita bago sumikat ang araw,” bilin ni Mang Sotero. “Laging mag-ingat. May mga taong matatapang—nananaga  at naghahagis ng sibat.”

Alam na nilang lahat iyon. May peligrong naghihintay sa mga tulad nilang nilalang ng dilim.  

Hindi masabi ni Shalina na mas matindi sa sibat at taga ang nakaamba sa kanyang pang-ibabang katawan. Sandatang makasalanan, nakabubuntis.

HINDI alam ng pamilya, dalawang pares ng mata ang nakamasid sa kanila mula sa magkaibang kublihan. Si Adwani na bad fairy at ang sintu-sintong si Isko.

Nakangiti nang tagumpay si Adwani; si Isko ay ngising malisyoso, nananabik kay Shalina. (ITUTULOY)

vuukle comment

ADWANI

ALING MAMENG

ISKO

ISKONG

MANG SOTERO

SHALINA

SI ADWANI

SINA GRECO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with