^

Para Malibang

Aswang family (24)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAHATI sa beywang ang katawan ni Shalina. Ibang version siya ng aswang na gawa ng bad fairy; ginawa siyang mana­nanggal ni Adwani.

Nasa himpapawid na si Shalina, isang manananggal na super sexy at super ganda. 

Pinaliligiran siya ng napakaraming bayakan o malalaking paniki.

Sa sandaling ito, alam na ni Shalina na siya ay isa nang ganap na manananggal.   Kumakampay sa ere ang mga pakpak. Plap-plap-plapp.

Ang equally sexy niyang katawang pang-ibaba, her lower body mula beywang hanggang talampakan, ay nakatayo sa gitna ng sagingan.

Naka-paldang above the knee ang kaputol na ito ni Shalina. Bago sumikat ang araw, kailangang magkaugpong na ang buong katawan.

Kundi ay parehong mamamatay ang dalawang putol; mabubulok at maglalaho sa mundo.

Ang alam lang ni Shalina, siya ay lumilipad sa ibabaw ng Metro Manila. Hindi alam ni Shalina kung saan siya pupunta.

Sa ibaba, sa highway na madilim, natanaw ng manananggal ang isa pang kakaibang nilalang—ang Tikbalang na si Greco.

Bumulusok ng lipad si Shalinang Manananggal, ewan kung alam na ang tikbalang ay ang minamahal na asawa.

Nagpang-abot sa deserted highway ang Tikbalang at ang Manananggal. Nagkatitigan.

Sumakay sa likod ng Tikbalang si Shalina. Ang una ay hindi umalma, pinayagang nakasakay ang Manananggal.

Obvious, claro, na nakilala nina Greco at Shalina ang isa’t isa—sa bago nilang anyo.

“Aiiyeee,”  bulalas ng Manananggal.

“A-hii-hiingg. A-hi-hiingg,” halinghing ng Tikbalang.

Yumakap sa leeg ni Greco si Shalina; ang dalawang nilalang ng masamang diwata ay habag sa sinapit ng bawat isa.

Tagadag-tagadag. Plap-plap-plapp. Ang tikbalang ay nagpatuloy na sa pagtakbo; ang manananggal ay pumaitaas na muli sa ere.

SA SAGINGAN, ang nakatayong pang-ibabang katawan ni Shalina ay nakita ni Iskong Sintu-sinto. “Wow!  Seksi kalahating babae!”

Hinipo nito ang hita ng kaputol ng manananggal.  (ITUTULOY)

vuukle comment

ADWANI

AIIYEEE

BUMULUSOK

ISKONG SINTU

MANANANGGAL

METRO MANILA

SHALINA

SHALINANG MANANANGGAL

TIKBALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with