^

Para Malibang

Aswang family (15)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAGBAYAD nga agad kina Mang Sotero si Akong. 200 thousand cash para sa kotseng nagkakahalaga ng dalawang milyong piso. Walang kaalam-alam ang  tusong negosyante sa tunay na pinagmulan ng sasakyan. Pati nga mga dokumento ng kotse y hindi na inurirat ni Akong; sanay ang negosyanteng ito sa pagbili ng hot car; naididispatsa kasi agad ito sa mga kakutsabang illegal dealers. “Basta tayo ayos na, ha, Sotero. Huwag ka na hihingi dagdag bayad. Ako masama galit, kaya ikaw huwag loloko Akong.”

“Oo naman, tama na sa’min ‘tong bayad mong 200 thousand, Akong.”

Mabilis nang iniwan nina Mang Sotero, Aling Mameng, Shalina at Greco si Akong. Ipinasok na ng huli ang kotse sa malaking bodega nito sa palengke. Nagmiting agad ang pamilya sa harap ng nawasak na bahay.  “Tutuloy muna tayo sa kapatid kong matandang dalaga habang ginagawa ‘tong bahay natin,” pasya ni Mang Sotero.

Tutol si Aling Mameng. “hindi kami magkasundo ni Soledad, Sotero. Sa bahay na lang tayo ng tiyuhin kong bulag.”

Si Aling Mameng ang nasunod; sina Shalina at Greco ay walang tutol. .    Kinaumagahan ay nasa bahay na nga sila ng bulag. Ikinatuwa iyon ni Mang Saro. Isang katulong na binatilyo at alagang aso ang tanging kasama ng bulag na matanda sa malaki-laking bahay.

“Alam n’yo naman, Mameng, itong bahay ko e nasa kilikili ng Lupang Banal. Uso dito ang paglabas ng mga aswang.”

Nagkatinginan ang pamilya. Kung sakali pala ay dadagdag sila sa bilang ng mga kampon ng kadiliman sa lugar na ito. “Natakot ba kayo, ha, Sotero, Mameng?” natata­wang tanong ng bulag. “Naku, hindi po, Uncle Saro. Sanay na kami sa mga ganyang tsismis.”

“Hindi tsismis, totoong merong mga aswang. Nakita mismo ng boy ko at ni Foxy.” Aso ng bulag si Foxy.

Sa bodega ni Akong, galit na galit ang negosyanteng tuso. “Bakit nawala bumper ng kotse?  Sino nagnakaw?” Walang maipaliwanag asng security guard ni Akong. “wala po namang ibang nakapasok sa bodega, Boss Akong, peksman po!”

(Itutuloy)

vuukle comment

AKONG

ALING MAMENG

BOSS AKONG

LUPANG BANAL

MAMENG

MANG SARO

MANG SOTERO

SHALINA

SOTERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with