Aswang family (9)
“AKALAIN mo ‘yan, Sotero? Ikaw at ang misis mo ang bumigo sa akin noon. That was 20-22 years ago. Ngayo’y si Greco at ang anak mo ang muli palang bibigo sa aking pag-ibig!†emosyonal na lahad ng masamang diwata, si Adwani.
Hindi makaimik si Mang Sotero, takot sa posibleng gawin ng diwatang minsang naging lover niya. Yanig naman sa naririnig sina Shalina at Greco.
“Now, look at you, Sotero my ex-lover, ikaw ay tatang na sa katandaan! Ako, Sotero, nananatiling batambata! I’m forever young!â€
Natutong makiusap ang matandang lalaki. “Adwani, huwag ang anak ko ang gantihan mo. Ako na lang.â€
“Stop, Sotero! Hindi bagay sa ‘yo ang pa-emote-emote! Tapos na ang kaso—talo na naman sa pag-ibig si Ako!â€
Inihagis ni Adwani sa ere ang instant radio. Bigla itong nawala. Puff.
Nagpalipat-lipat ang tingin ng diwatang masama—kay Mang Sotero, kay Shalina at kay Greco.
Panay ang lunok ng tatlong mortal. Takot na kumilos man lang; parang ipinako sa kinatatayuan.
Mapaglaro ang modernang diwata. Palipat-lipat ang hintuturo, pakanta ang salita. “Sino sa inyo ang sasampulan ko? Ikaw ba, Sotero? Ikaw ba, Shalina? Ikaw ba, Greco?â€
Kay Greco huminto ang hintuturo. “Pung, Greco! Ikaw ang unang gagawin kong aswang!â€
Namutla ang latest lover ni Adwani.
Si Shalina ay napakapit sa bagumbagong mister, natatakot nang labis.
Kumumpas ang bad fairy. “Shazaamm!â€
Binalot ng itim na usok si Greco.
Nang mapawi ang usok, iba na ang naging anyo nito.
“Greco the Tikbalang!†sigaw ni Adwani.
“Eeeee!†napatili si Shalina.
Isa na ngang tikbalang si Greco!
“Ha-ha-ha-ha-haa!†Mabaliw-baliw sa tuwa ang bad fairy.
Sumingasing ang tikbalang. “Hi-iinng.†(ITUTULOY)
- Latest
















