^

Para Malibang

‘Aswang family’ (2)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAPANOOD lahat ng diwatang si Adwani ang mapusok na pagniniig at pagtatalik nina Greco at Shalina.

Laluna ang paghihinang ng mga labi ng young lovers.

Si Adwani ay nananaghili, naiinggit. Hangad ding mahagkan at maangkin ni Greco.

“Gagawin ko pati imposible, maging akin ka lamang, Greco.”

Kilala na ng magandang diwata sa pangalan si Greco. “Huwag na huwag hahadlang ang sinuman at talagang patitikimin ko ng aking poot!” bulong ni Adwani sa sarili.

Si Adwani ay kabilang sa mga bad fairies; kalahi siya ng masasamang diwata.

Pero si Adwani ay isang modern-day fairy, makabago as in ultra-modern; sosyal, hindi sa kagubatan lamang ang teritoryo.

Sina Greco at Shalina ay paalis na ng gubat, agaw-dilim na.

“Mangako kang ako lamang ang iibigin mo, Greco.”

“Pangako, ikaw lamang, Shalina.”

Magkakapit-kamay sila, mabibilis na ang hakbang.

Nagbabanta kasing bumuhos ang malakas na ulan.

“Biglang-bigla naman ang pagpundo ng maitim na kaulapan, Greco. Baka babagsak na, aabutan tayo…”

Inabutan na nga sila. May kasamang kidlat at kulog. Kaylalaki ng patak ng ulan, buhos ng langit. SWUUUS. TSKISSS. BRAGADUUMM.

Basambasa agad ang young lovers. “Greco, nagiginaw ako…”

Sumilong sila sa ilalim ng mayabong na punong mangga.

Para mabawasan ang ginaw, yumakap nang mahigpit kay Greco si Shalina. “Greco, an’ lamig-lamig pa rin talaga. Nanginginig a-ako…”

Hinubad ni Greco ang waterproof jacket, ibinalabal iyon kay Shalina.

Lalo namang naiinggit si Adwani, palihim pa ring nakatanaw-nakasunod sa dalawang mortal.

“Panahon na para magkasama tayo, Greco. I must do some magic.”

Sa isang kumpas ng diwata, siya ay na-transform sa isang sosyal na dalagang super-ganda. Kahawig na kahawig siya ng personalidad ng paborito niyang movie actress—si Anne Curtis.  

“Puwede kaming pagkamalang magkapatid ni Anne! Hi-hi-hi.”

Ang suot niyang damit ay summer dress na above-the-knee, sleeveless na low-neckline, hindi matatanggihan ng sinumang lalaki.  (ITUTULOY)

 

vuukle comment

ADWANI

ANNE CURTIS

BASAMBASA

BIGLANG

GAGAWIN

GRECO

SHALINA

SI ADWANI

SINA GRECO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with