^

Para Malibang

‘Butas na lupa’ (48)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAHULAAN agad ng magandang doktora na may masamang tangka ang limang la­laking duplikado ni Jake. Naunahan siya ng takot, mabilis na tinungo ang pinto,  nagtangkang lumabas ng bahay.

Pero mas mabilis ang mga lalaki, nasunggaban agad siya.

“Eeeeee!” sigaw ng doktora.

Mga suntok ang inabot niya sa mga ito. Pag. Pug. Bag.

“Uuunnn.” Nawalan ng malay-tao ang doktora.

SA ILALIM ng butas na lupa, dalawa na sina Monica at Jake na dinadayo ng mga taga-ibang planeta.

“Monica, para tayong mga freak na inuusyoso ng pagkapapangit na  alien!  Hanggang kailan tayo dito?” 

Nag-uusap sa isipan ang dalawang estatwang buhay. Nasa tuktok pa rin sila ng nakahapay na napa­kataas na gusali.

“Jake…hangga’t hindi tayo nakakatakas, mananatili tayo dito.”

Nanlulumo ang magkasintahan. Hindi nila nakikita ang munti mang pag-asa, na sila’y makaaalis pa sa kapangyarihan ng taga-ibang planeta.

“Sa oras na ito,  Monica, sarado na ang ibabaw ng butas na lupa. Makukulong na tayo sa poder ng mga pangit na ‘yan!”

Patuloy na nilalapitan-inuusyoso ng mga nila­lang na mukhang suso ang dalawang tao. Para sa taga-ibang planeta, sina Monica at Jake ay isang napakakakaibang likha ng kalikasan. 

At napakababa ng tingin ng mga ito sa tao.  Paksa ng panlalait.

“Vizzi, birik. Kirib izziv.” Sa lengguwahe ng tao, sabi ng mukhang suso sa kapwa mukhang suso—ang mga tao raw ay pagkababahong nilalang ng uniberso. “Mirisuk kusirimuki. Ikumirisuk.” Sabi ng kausap, dapat lang na gawing mga dekorasyong estatwa ang mga tao.

 â€œTemplankinikok. Kokiniknanlpmet.” Kung kahalubilo daw nilang buhay ang mga tao, tiyak na mamamatay sila sa baho. SA BAHAY ng doktora, ang magandang manggagamot ay unti-unti nang natauhan. Napaluha siya nang makitang siya ay walang anumang damit. “Hu-hu-hu. Pinagsamantalahan ako ng mga hayup!” Hinang-hina ang doktora, pagapang na inabot ang mga damit sa kama. “Hu-hu-huu.” (ITUTULOY)

 

               

               

vuukle comment

EEEEEE

HANGGANG

HINANG

HU

IKUMIRISUK

KIRIB

TAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with