^

Para Malibang

Duda sa Anak

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ang problema ko ay tungkol sa aking kaisa-isang anak na one year old. Hindi ko kasi makita ang resemblance ko sa kanya kaya nagsimula akong magduda kung sa akin nga ang bata o baka anak sa ibang lalaki ng aking misis. Mahal ko ang bata kaso napansin ko habang lumalaki, nagiging maputi ang kutis ng aking anak gayung pareho kaming kayumanggi ng aking misis. Chinese looking at maputi ang bata gayong ako ay bumbayin. Kung minsan ay binibiro ko ang aking misis pero ang sinasabi niya ay napaglihian niya ang ka-opisina niyang may dugong Chinese. Dapat ko ba siyang paniwalaan? Paano mawawala ang aking alinlangan? - Naldo

Dear Naldo,

DNA test lang ang makasasagot sa problema mo para makumpirma kung anak mo nga o hindi ang bata. Pero hindi nangangahulugan na komo hindi mo kamukha ang bata ay hindi mo nga anak. Maaring ikaw o ang iyong misis ay may lahing Chinese din mula pa sa inyong mga malayong kaanak. Maaring tama ang misis mo na may napaglihian siya kaya ganyang ang anyo ng inyong anak. To be sure, ipa-DNA test mo ang anak mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

AKING

ANAK

DAPAT

DEAR NALDO

DEAR VANEZZA

NALDO

PAANO

PERO

SUMASAIYO

VANEZZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with