^

Para Malibang

‘The Kiss’ (39)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“AKALA ko talaga, holy water ang iwinisik ko sa buhay na bangkay at sa vampire. Sino ba ang mag-aakalang lens cleaner ang nadampot ko…?” Hiyang-hiyang nagpapaliwanag si Father Renzo kay Sam. “Well, may lapses na ako—tumatanda na…”

“Father, natangay ng vampire ang kaluluwa at katawan ni Natalie…desidido ang walanghiyang ‘yon na kumpletohin ang nobya ko!”

“Kumpletohing paano?” tanong ng padre, hindi masakyan ang ibig sabihin  ni Sam.

“Kailangan hong nakakapag-isip at nakapagsasalita ang katawan ni Natalie, kaya lalagyan ng kaluluwa!”

Napalunok ang alagad ng Diyos. Tama ang lohika ni Sam, kahit pa nga salungat na sa paniniwala ng mga relihiyoso.

“Itong hawak kong tunay na holy water ang magliligtas kay Natalie, Sam! Hindi siya magiging bampira, tinitiyak ko!”

“S-Sana nga po, Father. Hindi dapat makasangkapan ng puwersa ng impiyerno ang nobya ko.”

Tinanaw nila ang gulod na may guhong simbahan. “Malakas ba ang makina nitong kotse mo, Sam?”

BRUUUMMM. Mabilis nang paakyat sa gulod ang sasakyan nila. Buo ang loob na labanan ang vampire sa pangalawang pagkakataon.

“Father Renzo,  bendisyunan n’yo po pati ang bala at baril ko—para maging epektibo sa vampire.”

Winisikan nga ng padre, habang halos nasa harapan na sila ng guhong simbahan. Lalong umangil ang makina habang paahon. BRUUUMM.

SA LOOB ng guho, ang ritwal ni Vincento ay halos ganap na. Nakatingala si Vincento, nakapikit, hawak ang kaluluwa at ang binuhay na bangkay ni Natalie.

Ewan kung anong lengguwahe ang gamit ng vampire sa ritwal. “Bura­kudum-tikadukeri-sevusaxa-gorrisussexum…”

Yumayanig ang guho, parang nililindol.

Ang kaluluwa ni Natalie ay kinikilabutan, hindi matanggap na siya’y papasok sa katawang lupa na kaytagal nang namatay.

Ang katawang lupa naman ay wala pa ring muwang sa magaganap; nanatiling nakatunganga sa paligid.

SCREEECHH. Kay-ingay ng preno ng kotse ni Sam. “Dali, Father! Hayun sila!  It’s now or never!”  (Abangan ang nalalapit na Wakas.)

vuukle comment

ABANGAN

BUO

DIYOS

EWAN

FATHER RENZO

HAYUN

HIYANG

NATALIE

VINCENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with