^

Para Malibang

Babaerong mister

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa pangalang Senyang, 40 years old. May kinalaman ang problema ko sa mister kong babaero. Noong araw ay uliran siyang asawa. Maganda ang kanyang trabaho bilang supervisor. Ngunit sa ikatlo naming anak ay nagbago na siya. Naging malamig na ang pakikitungo niya sa akin at halos hindi na nag-iintrega ng sahod. Kamakailan lang ay natuklasan ko na may kalaguyo pala ang mister ko. Kinumpronta ko siya at tinanong at umamin siya. Sabi pa niya ay huwag akong magrereklamo at magpasalamat ako dahil hindi pa niya ako nilalayasan. Ilang gabi na akong hindi makatulog at laging umiiyak. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Senyang,

Isang malungkot na katotohanan na mara­ming lalaki ang hindi kuntento sa iisang babae. Maraming babae tuloy ang nagiging martir dahil dyan. Ngunit dapat malaman ng mga lalaki na ang pangangalunya ay isang krimen na may nakatakdang parusa sa ilalim ng batas. Puwede mo siyang kasuhan ng concubinage, pero kailangan diyan ang matibay na ebidensiya. Subukan mo ring alamin ang dahilan bakit biglang nagbago ang iyong mister na nauwi sa kanyang pambababae. Baka naman maayos pa ang problema at ma-save ang inyong marriage alang-alang sa inyong mga anak.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

ANO

DEAR SENYANG

DEAR VANEZZA

ILANG

ISANG

ITAGO

KAMAKAILAN

KINUMPRONTA

NGUNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with