^

Para Malibang

‘The Kiss’ (32)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

TATLONG scenario ng magkakaugnay na tauhan ang sabay-sabay na nagaganap. Si Natalie na gumulong sa ibaba ng gulod, na kahit puro gasgas at sugat ay wala namang dumaloy na dugo; si Sam na ayaw paniwalaan ng parents ni Natalie—na ang dalagang bangkay ay nabuhay at tinangay ng vampire; si Vincento na kukunin sa buwan ang kaluluwa ni Natalie, para ibalik sa nabuhay na katawan nito sa daigdig.

TANGING si Father Renzo lamang ang nais maniwala kay Sam. Pinalabas na ng ospital ang binata matapos matiyak na hindi ito nababaliw.

Masyado lang daw wild ang imahinasyon ni Sam, ayon sa psychiatrist. Hindi umano dapat makulong sa mental hospital ang isang tao dahil lang sa malikot nitong kaisipan.

“Sam, iho—saan sa palagay mo tinangay ng vampire si Natalie?”

“Father Renzo, ang alam ko lang na sabi ng vampire—dadalhin niya si Natalie sa isang mataas na lugar na may ‘wasak na sagisag ng sinaunang relihiyon’. Ako mismo, Father, hindi maintindihan kung nasaan at ano ang lugar na ’to.” 

Sa kumbento nag-uusap nang masinsinan ang pari at si Sam. “Mas­yado namang maligoy ang sinabi ng vampire na ‘yon. Ano kaya ang kahulugan ng ‘wasak na sagisag’?  At ano ba ang sinaunang relihiyon sa kanya, Sam?”

Umiling ang binata. “Hula ko ho’y Kristiyanismo, Father.”

“Iyan din ang palagay ko. At ang ‘wasak na sagisag’ ay ano, Sam?”

Blangko silang pareho; hindi kayang hulaan na ang tinutukoy ng vampire ay ang nawasak na simbahan sa gulod; na ngayo’y abandonadong guho na lamang.

SA IBABA ng gulod, si Natalie o ang kanyang bangkay na nabuhay ay nakatanaw sa bayan sa di-kalayuan. Sugatan siya pero wala ngang dugong tumagas.

Wala siyang dugo sa katawan. Isang nilikha ng kadiliman si Natalie, nabuhay lang dahil sa halik ni Vincento, the vampire.

Nagsimulang maglakad si Natalie, palapit sa bayan. Walang ilaw doon; isang maralitang barangay ang  Pugad-Lamok.

SA BUWAN, ang kaluluwa ni Natalie ay nagulat sa pagdating ni Vincento; desidido ang vampire na dalhin sa mundo ang kaluluwa.  (ITUTULOY)

vuukle comment

ANO

BLANGKO

FATHER RENZO

ISANG

NATALIE

SAM

SI NATALIE

VAMPIRE

VINCENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with