^

Para Malibang

May asawa na pala siya

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Tomi, 35 years old. Sumulat ako dahil sa problema sa pag-ibig. Ito ay tungkol sa babaeng mahal ko. Magkasintahan na kami nang malaman kong may asawa pala siya sa probinsiya na hiniwalayan niya. Kasalukuyan pa lang nasa proseso ang annulment ng kasal nila. Kaya pala kinausap niya ako nang sarilinan ay para ipagtapat iyon. Hindi ko alam kung papaano magre-react sa nalaman ko. Una’y nagalit ako at sinabihan ko siya na bakit hindi siya agad nagtapat. Ang sabi niya noong una pa’y minahal na niya ako at natatakot siyang mawala ako sa kanya. Napaiyak ako sa sinabi niya. Gusto ko nang makipag-break pero nangingibabaw ang aking pagmamahal sa kanya. Ano ang mabuti kong gawin?

Dear Tomi,

Unawain mo ang kanyang paglilihim. At least nagsabi siya ng totoo. Kung mahal mo siya, hintayin ninyong maaprubahan ang annulment ng kanilang kasal para walang maging legal impediment sakaling magpasya kayong magpakasal. But until then, magturingan muna kayong matalik na magkaibigan at umiwas sa tinatawag na bawal na pag-ibig. Ang tunay na pag-ibig ay nakalaang maghintay at magtiis. Habang may bisa ang kasal nila, magiging adulterous ang inyong relasyon.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AKO

ANO

DEAR TOMI

DEAR VANEZZA

HABANG

KASALUKUYAN

KAYA

MAGKASINTAHAN

NAPAIYAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with