^

Para Malibang

Maging Mr. Pogi

Ms. Jewel - Pang-masa

Hindi lang mga babae ang abala sa pagpapaganda, marami ring mga kalalakihan ang hindi magkandaugaga kung paano sila mas guguwapo sa paningin ng mga kababaihan.  Kaya lang isa sa mga problema ng mga lalaki sa kanilang mukha ay ang sobrang paglabas ng oil dito. Napakapangit naman talaga na makitang nangingintab ang iyong mukha sa oil na lumalabas sa balat nito lalo na kung  mayroon kang malapad na noo o pisngi. Minsan, maaari ka pa ngang mabiro ng iba na maaari ng pagprituhan ang iyong mukha dahil sa bumabalong na oil dito at ito ay madalas na hindi mo napapansin. Mas malinis kasing tingnan ang mukha kung palagi itong mukhang fresh at walang dumi. Paano nga ba mataguriang Mr. Pogi? Narito ang ilang paraan:

Huwag gumamit ng sabon – Hindi mo dapat na gamitin ang sabon na ginagamit mo sa iyong katawan, sa iyong mukha. Bakit? May ilang sabon kasi na nagtataglay ng matapang na sangkap, lalo na ang mga sabon na sobrang bango. Dapat na pumili ng babagay sa’yo na facial wash. Pumili ng medyo mild kung sensitibo ang iyong balat sa mukha.

Mag-exfoliate ng mukha -  Mabuting gumamit din ng toner gaya ng mga babae, isa o dalawang beses sa isang linggo o di kaya ay gumamit ng facial scrub para matanggal ang mga dead skin sa iyong mukha na siyang nagdadala ng wrinkles at nagpapanatili ng dumi sa iyong mukha.

Huwag parusahan ang iyong mukha – May mga tao talagang nagtatag­lay ng malalaking pores o may malalaking butas ang balat nila sa mukha at nagreresulta ito ng pagkakaroon ng madalas na blackheads o whiteheads. Kahit pa gigil na gigil ka na sa mga ito, huwag mong pipisain ang mga ito dahil posibleng kumalat ang bacteria na dala ng  mga ito. Mas mabuting maghilamos tuwing umaga at bago matulog upang lumambot ang mga ito at kusang lumabas sa oras na pinunasan mo ng bulak o malambot na towel ang iyong mukha. Presto, hindi pa magkakabutas-butas ang iyong mukha.

Huwag kalimutang gumamit ng moisturizer – Maging babae o lalaki ka man, nangangailangan ang balat mo ng moisturizer para maiwasan nito ang panunuyot at lumabas ang natural na tubig o oil sa iyong mukha upang magmukha kang fresh at hindi matanda.

Tandaan, hindi lang dapat mga babae ang maging metikulosa sa kanilang itsura. Ang pag-aalaga ng tama sa iyong katawan ay palaging ikaw din ang makikinabang.

 

vuukle comment

BAKIT

DAPAT

HUWAG

IYONG

MR. POGI

MUKHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with