^

Para Malibang

Binabalikan ng taksil na bf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa pangalang Ms. A­ries, 35 years old. Masakit ang karanasan ko sa pag-ibig kaya hanggang ngayo’y hindi na ako nag-asawa. Dati akong nakipag-live-in sa lala­king inakala kong mamahalin ako pero after one year ay iniwanan ako at sumama sa ibang babae. Tatlong taon na ang nakaraan ng mangyari iyon. Pero kamakailan, isang common friend namin ang nagsabing gustong makipagbalikan ng ex ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Maski papaano’y may pinagsamahan kami at minahal ko rin siya. Pero nararamdaman ko pa rin ang sakit na ginawa niya sa akin kaya nagdadalawang isip ako. Dapat ba akong makipagbalikan o kalimutan ko na lang siya?

Dear Ms. Aries,

Ikaw lang ang nasa lugar para mag-evaluate ng sitwasyon mo. Timbangin mo ang iyong damdamin at kung na­ngingibabaw ang sakit na nilikha ng kanyang pagiging salawahan, mas makabubuting kalimutan mo na lang siya. At kung magpasya kang makipagbalikan, dapat mo munang tiyakin na ang kanyang pagsasalawahan noon ay hindi na dapat maulit. Sakaling mangyari ito ay mabu­ting magpakasal na kayo sa halip na mag-live-in uli.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

DAPAT

DATI

DEAR VANEZZA

IKAW

ITAGO

MASAKIT

MS. A

MS. ARIES

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with