^

Para Malibang

‘The beautiful ones’ (12)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

ANG DRIVER ay sagpang sa leeg ng zombie na heneral noong araw. Kahit tinamaan ng shotgun sa dibdib, buhay pa rin ang guwapong living dead. May tunog pa ang paglamon sa biktima. Ngasabb. Ngasabb.

Ang mga dalagang sakay ng SUV ay ganap nang bihag ng iba pang beautiful ones, kaydami nang kagat sa iba’t ibang panig ng katawan.

“Eeeee! Huwag! Lumayo kaaa!”

“Bangungot lang ito, mga mars! Kailangang magising na tayooo!”

“Hu-hu-huuu! May zombie ba namang ganito kagaganda?  Hindi totoong nangyayari ito, mga sis!”

Nakamasid lang si Oreo, enjoy na enjoy sa madugong eksena.

Kinunan pa nga ng litrato sa kanyang expensive cell phone.

“Dali, mga alagad, hubaran na ang mga babaing ‘yan saka n’yo lamunin!” utos ng binabae, pinalulutang ang galit sa mundo.

Kriiip. Kriipp. Pinunit na ng mga zombie ang damit ng mga dalaga, hindi basta hinubad.

Saglit pa’y wala nang anumang saplot ang mga bihag.

May isang nakawala sa Hollywood actress, nakatakbo kahit sugatan. “Eeeee! Saklolooo!”

Hinabol ito ng aktres, nasa gilid sila ng bangin na kadikit ng dagat.

Tinalon ng magandang living dead ang dalaga, nahuli sa baywang.

Pero parehong nahulog sa bangin.

Napaunat si Oreo, kitang-kita ang nangyari. “Oh my gray shoes, nadamay ang aking Hollywood actress!”

Natanaw pa niya ang dalawang bangkay sa ibaba ng bangin, sa batuhang hinahampas ng alon. Swaass.

“Siyet! Ang paborito ko pa ang nawala sa aking team! Siyet!” Galit na galit sa nangyari si Oreo.

Binalikan ang iba pang alagad. “Tapusin na ‘yan! Kung hindi maubos, isakay uli sa sasakyan! Go-go-gooo!”

Tama si Oreo, hindi kayang ubusin ng mga living dead ang mga dalagang patay na.

Ibinalik  sa SUV ang duguang labi. “Dali! Dali! Ililigpit pa natin ang ebidensiya! Daliii!”

Ang heneral na butas ang dibdib ang inutusan. “Ikaw, sunugin mo ang sasakyan nila! Ngayon naaa!” (ITUTULOY)

 

 

 

.              

 

  

.

vuukle comment

BANGUNGOT

BINALIKAN

DALIII

EEEEE

NGASABB

OREO

SIYET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with