^

Para Malibang

Anong score mo kay ate?

Pang-masa

Maraming nagsasabi na malaking misteryo ang karakter at pag-uugali ng mga kababaihan. May mga lalaking minsan ay nangangarap na magkaroon sila ng mata na maaaring tumagos sa isip at puso ng mga babae para malaman nila kung anong nilalaman nito, kung sila ba ay may pag-asa o wala. Bagama’t iba-iba naman ang tipo ng mga babae, mayroon pa rin matatawag na palatandaan sa kanila kung ang lalaki ay “type” nila. Narito ang ilang paraan:

“Body language” – Kung hindi ka marunong bumasa sa kilos ng babae, tiyak na maraming impormasyon ka na hindi malalaman mula sa kanya. Kapag interesado ang isang babae sa’yo, kusa siyang lumalapit kapag ikaw ay makikipag-usap sa kanya. Palagi din siyang nakangiti kapag ikaw ay kausap. Pansinin mo din kung palagi ka niyang hinahawakan, puwedeng sa braso, kamay at balikat. Gusto ka din ng babae kung diretso ka niyang tinititigan sa mata. Pinaglalaruan ba niya ang kanyang buhok habang nakikipag-usap sa’yo? Ang mga ito’y positibong senyales na “type” ka din niya.

Atensiyon – Kapag kausap mo ba siya ay 100% ba siyang nakikinig sa’yo? Ang babaeng may gusto sa isang lalaki ay magbibigay ng kanyang buong atensiyon anuman ang sinasabi ng lalaki sa kanya, kahit pa ito ay isang corny joke.

Kausapin siya – Hindi mo malalaman kung ano ang iyong “score” sa babaeng iyong pinapangarap kung hindi ka makikipag-usap. Habang kausap mo siya idaan sa nakakatuwang usapan ang inyong paksa at kung napapatawa mo siya, umasa kang ang kalahati ng iyong laban ay tapos na.

Ilang beses ka niyang tinatawagan o tini-text? Kung kayo ay magkaibigan, pag-aralan mong mabuti kung ilang beses ka niyang tini-text o tinatawagan sa isang araw. Tumatawag o nagti-text lang ba siya kapag naiinip at wala siyang makausap? O ginagawa niya ba ito ng regular bago siya matulog at pagkagising? Kung tumatawag at nagti-text siya dahil naaalala ka niya palagi, magandang palatandaan ito dahil malaki ang posibilidad na interesado din siya sa’yo. Pero, kung ang unang nabanggit naman ang kanyang ginagawa, maaaring nakiki­pagkaibigan lang siya sa’yo.

Imbitahin siyang magmeryenda – May mga babaeng sadyang hindi nagpapakita ng motibo o hindi gumagawa ng first move. Pero, kung type ka nito pagbibigyan niya ang iyong imbitasyon.

ATENSIYON

BAGAMA

HABANG

ILANG

KAPAG

KUNG

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with