Nagpipigil?
Tanong: Nais ko lang pong malaman kung ano ang pwedeng mangyari sa isang lalaki pag palagi akong nagpipigil pag nasa kainitan na ako ng pakikipgtalik! ---Jerome ng Calocan
Sagot: May mga nagsasabing walang masama dito pero may nagsasabi ring may masamang epekÂto ang ginagawa mo. Sinasabing posibleng maging sanhi ito ng urinary track infection, problema sa pantog at fertility… sabi nila…. Sabi naman ng iba, hindi ito karaniwang ginagawa ngunit walang masama dito dahil kapag hindi nakalaban ang semen, sumasama naman ito kapag umihi na. May nagsabi ring para itong ‘retrogated ejaculation’ na may mga side effects. Ayon sa mayoclinic.com, ang retrogated ejaculation ay kapag ang semen ay bumabalik sa bladder o pantog imbes na lumabas sa penis. Hindi naman ito masama pero maaari itong maging sanhi ng infertility. Kapag laging nagpipigil, posibleng magkaroon ng retrogated ejaculation. Siyempre, hindi nga lumalabas ang semen. Alam naman natin na ang semen ay importante kung gusto mong magkaanak. Kung walang semen siyempre, hindi makakabuo.’ Sabi nga ng iba, bakit kailangang pigilin?
- Latest

















