^

Para Malibang

‘Haunted hospital’ (30)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

CHAOS. Nagkagulo na ang mga tao sa ospital—pasyente, tagabantay, mga dalaw, etsetera. Wala nang patid ang pagte-terrorize ng masasamang multo. Kung saan walang benditadong krus, naroon ang mga ito.

“Eeeee! Aaaahh!” Maririnig ang sigawan at tili ng mga tao.

Pigil ang hininga ni Dr. Robles habang nagbabanta ang napakasamang multo ng isa ring doktor. “Huwag kang sumalungat sa Diyos, Dr. Clindaco. Magbalik-loob ka sa Kanya.”

“Hindi! Dapat akong makapaghiganti! Binago n’yo ang plano ko sa ospital na ‘to! Pangmayaman dapat ito—hindi pang-charity!”

Napailing ang butihing doktor ng Hope. Alam na hindi na mapagbabago ng pasya ang masamang multo. Ibabato na nito ang LPG tank, magkakaroon ng pagsabog, may mga mamamatay, matitigil ang pagsisilbi ng ospital, lalong katatakutan ang Hope.

Pero bago pa naibato ni Dr. Clindaco ang LPG, nayanig ito sa mga palapit, parang nakakita ng multo.

Multo nga.  The good spirits of the Lord ang dumating—mga puting anghel na dala ang banal na mga espada. Hinabol nila at itinaboy ang grupo ni Dr. Clindaco sa kalawakan.

Nagpakita sa hospital staff si Dr. Medina, the good ghost. “Mapapayapa na nang matagal ang Hope. Dadami ang pasyente at mga nars at mga doktor.”

“Pati ba ang mga ligalig na multo, gaya ni Tandang Tindeng, mananahimik na?”

Tumango ang mabuting multo. “Opo, Dr. Robles, nakatawid na ang mga balisang ispiritu.”

Ang mga tauhan ng ospital ay mangha pero hindi na natatakot kay Dr. Medina; turing nila dito’y kakampi mula sa Langit, kapamilya at kapuso.

“Mag-oopera ka pa po ba ng malubhang pasyente, Dr. Medina?” tanong ni Nurse Olga sa crush na multo. 

Ngumiti ang good ghost. “Oo, hangga’t  wala pang ibang doktor,”

PAYAPA na ang Hope. Tanggap na ng mga pasyente at kaanak na posibleng ang multo ng mabuting doktor ang mag-oopera kapag emergency. WAKAS(Up Next: The Lonely Ghost)

vuukle comment

DR. CLINDACO

DR. MEDINA

DR. ROBLES

LONELY GHOST

MULTO

NURSE OLGA

TANDANG TINDENG

UP NEXT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with