^

Para Malibang

‘Haunted hospital’ (22)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HINDI naintindihan ni Nurse Armida ang ibig sabihin ni Doktor Robles, na magbukas siya ng channel tulad ng sabi ng multo ni Dr. Medina.  “Tatlong channels po ang paborito ko, Dok. Kapuso, Kapamil­ya at Kapatid.”

“Nurse Armida, hindi TV channels ang sinasabi ni Dr. Medina. Channel ng iyong sarili—para makita mo at makausap ang tagakabilang buhay, ang multo niyang nais tumulong.”

“S-sa Tagalog po ba ay parang daluyan o daanan ang ibig niyang sabihin?” Tinatakpan ni Nurse Armida ang pagkapahiya. “Parang avenue?”

“Sakto, ganoon nga. Huwag mong kontrahin. Manalig kang tunay na nagmumulto si Dr. Medina dito sa Hope.”

Tumango ang may-edad nang nurse. “Opo, Dr. Robles, maniniwala na po ako.  Tama kayo, hindi ko dapat unahin ang pag-aalala na mademanda dahil sa pagpapakasangkapan sa multo ng doktor. Ang bottom line po, ang pagsagip ng buhay.”

Nakahinga nang maluwag si Dr. Robles. “Hay, salamat, nakaunawa ka rin, Nurse Armida. Tatlo na tayong makakakita sa yumaong doktor.”

“K-kailan ko po siya makikita?”

“Si Nurse Olga ang nakakaalam. Higit silang nagkakaugnayan ni Dr. Medina dahil may sixth sense nga si Nurse Olga.”

   Napalunok si Nurse Armida. “Dok, hindi ko pa kinikibo si Olga. Di ba tinarayan ko siya at binantaang idedemanda for medical malpractice ?”

“Hindi naman nagtanim ng galit sa iyo si Nurse Olga, siguro’y dapat nang magkasundo kayo, Nurse Armida.”

Si Doktor Robles ang namagitan, nagkasundo ang dalawang nars, nagkaiyakan at nagyakapan.

“Sorry sa kakitiran ng utak ko, Nurse Olga.”

“Nurse Armida, wala na ho sa’kin  ‘yon. Bygones.”

“K-kailan ko makikita si Dr. Medina?”
“Narito po siya, kanina pa present. Handa na ba ho kayo?”

Napalunok ang may-edad nang nurse. “Hangga’t maaari, ayokong makakita ng multo, I don’t want to see dead people. Pero iba si Dr. Medina, napakabait niya. Y-Yes, handa na akong m-makita siya.”  ITUTULOY

 

vuukle comment

ARMIDA

DOK

DOKTOR ROBLES

DR. MEDINA

DR. ROBLES

NAPALUNOK

NURSE

NURSE ARMIDA

NURSE OLGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with