^

Para Malibang

“May Impakta sa tiyan ko” (11)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“MALI ang X-ray na ‘yan,” giit ni Brando sa radiologist. “Merong impakta sa tiyan ko, sakay ng spaceship na nasa loob ko rin!”

Natigilan ang technician. “Ano po uli ‘yon, ser?”

“Dapat makita sa X-ray na ‘yan ang alien at spaceship! Ulitin mo!”

Nagpakahinahon ang kausap ni Brando. “Ganito na lang po, ser. Ipabasa n’yo muna sa inyong duktor itong resulta, siya po ang magrerekomenda kung dapat kayong ma-X ray uli.”

“Talagang ‘yon ang gagawin ko,”  galit na sabi ni Brando.

Nagtuloy siya sa duktor na kaibigan na niya. Sinabi ang totoong dahilan kumbakit siya nagpa-X ray

 â€œMay nakapasok na taga-ibang planeta sa tiyan mo…?”

“Gano’n nga po, dok. Gagawin niyang bahay ang tiyan ko habang nangangalap ng impormasyon sa ating mundo…”

Mga tatlong minuto ring natahimik ang duktor, pinag-aaralan ang anyo ni Brando. Ito ba’y nababaliw na?

Binasa ang X-ray result, tiningnan mismo ang imahe sa X-ray film.

“Tama ang radiologist, Brando. Okay ang tiyan mo. Walang anumang sinasabi mong nakapasok.”

Napailing ang binata, kita ang frustration. “Imposibleng wala sa tiyan ko ang impaktang alien pati spaceship niya. Natitiyak kong hindi pa sila nakalalabas sa bunganga ko.”

Dinitalye ni Brando ang pagpasok-paglabas ni Morgama a.k.a. Impakta sa kanyang bunganga, bago ito tumuloy sa kanyang tiyan.

Pati ang paggalaw nito sa kanyang tiyan, na parang bola ng golf ang bukol, ay inilarawan niya sa manggagamot.

“Brando, siguro’y naapekto na ng kalalasing mo ang iyong isipan. Ipinapayo kong bawasan mo o kaya’y itigil na muna ang pag-inom.”

“Pero, dok…nanganganib ang mundo natin. May masamang motibo ang impaktang alien…”

Niresetahan ng duktor ng relaxant si Brando. “Here, inumin mo agad bago ka matulog. Makikita mo, babalik ang tamang huwisyo mo.”

Bigong umuwi si Brando. Sino nga ba ang maniniwala sa kanya kung siya’y  walang ebidensiya?

Dinaan niya sa inom. “May impakta sa tiyan ko pero walang maniwala!” ITUTULOY

vuukle comment

ANO

BIGONG

BINASA

BRANDO

DAPAT

DINAAN

DINITALYE

GAGAWIN

TIYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with