^

Para Malibang

Texters, Kings magtutuos

FMangonon III - Pang-masa

MANILA, Philippines -Susubukan ng Talk ‘N Text na patuloy na nakadi­kit sa mga nangunguna sa team standings sa pakiki­pagharap nito laban sa Barangay Ginebra sa 2013 PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Smart Araneta Co­liseum.

Unti-unti nang bumabalik sa kanilang mabangis na porma ng Tropang Texters na nanalo sa kanilang huling dalawang laro at mahaharap naman ang Kings sa alas-6:30 ng gabi matapos ang ika-4:15 ng hapong bakbakan ng Alaska at Globalport, ang koponang na­sa ibabaw at ilalim ng team standings, ayon sa pagka­kasunod.

Ambisyon ng Alaska na makabawi at hindi tulu­yang malaglag mula sa liderato sa standings matapos gulatin ng Air21, 74-68,  noong Biyernes.

Pero makakaharap ng Aces ang isang koponang desperadong pigilan ang kanilang five-game losing skid.

Maglalaro sa kanilang pangatlong laro sa nakaraang siyam na araw, nais ng Talk ‘N Text na maitala ang kanilang pinakamahabang winning streak sa conference pagkatapos nilang padapain ang Barako Bull, 101-98, noong nakaraang Sabado sa Legazpi Ci­ty at ang Rain or Shine, 86-76, noong nakaraang Mi­yerkules.

Pero desidido rin ang Kings na maitala ang ka­nilang unang back-to-back wins sa conference matapos manalo sa San Mig Coffee, 96-88, noong Linggo.

Ang Ginebra at Globalport na lamang ang natitirang dalawang koponan na hindi pa nananalo ng dalawang dikit na laro sa conference at umaasa ang Kings na ngayon na ito mangyayari.

Habang unti-unti nang nakaka-adjust sa kanyang team­mates at style ng laro sa bansa ang import ng Kings na si Vernon Macklin, si Donnell Harvey ng TNT naman ay halos nagsisimula pa lamang maka-re­cover mula sa jet lag buhat nang dumating isang ling­go pa lamang ang nakaraan.

Nagtala ng mga averages na 21.0 points, 16.5 rebounds. 3.3 assists at 1.3 shotblocks sa kanyang apat na laro si Macklin, samantalang may 15.5 puntos, 9.5 rebounds at 2.5 assists averages si Harvey.

Ang laro ng Tropang Texters at Kings ay unang pag­haharap sa conference ng dalawang koponang nagharap para sa kampeonato ng Commissioner’s Cup na napanalunan ng TNT, 4-2.

 

vuukle comment

ANG GINEBRA

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

DONNELL HARVEY

GLOBALPORT

LEGAZPI CI

N TEXT

SHY

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with