^

Para Malibang

‘Ladies man’

Pang-masa

Maraming kalalakihan ang  nagnanais na maging “ladies man”. Ang iba, ay tila nahihirapan na mapansin ng mga kababaihan at hindi masungkit ang puso ng kanilang nililiyag. Narito ang ilang paraan para mapamahal ka sa iyong misis/girlfriend:

Huwag mananakit ng babae – Kung sa inyong pag-aaway ay tila binubugbog ka na ng iyong misis/ gf, umiwas lang o di kaya ay salagin ang kanyang mga kamay, ngunit iwasan mo ang saktan din siya. Kung sa tingin mo ay nasasaktan ka na, lumayo na lang sa kanya. Tandaan mo na maraming magagalit sa’yo sa oras na saktan mo siya, dahil ang babae ay babae pa rin na mas mahina kaysa sa’yo.

Huwag mo siya pagbigyan palagi – Ang pagiging “spoil” minsan ng babae ay hindi nakakatulong sa relasyon. Hindi mo naman kailangan na palaging sundin ang kayang luho, lalo na kung ang mga nais niyang ibigay mo sa kanya ay mga iPhones, mamahaling damit, bag at iba pa.  Puwede mo naman siyang bigyan lang ng mga gamit na kaya lang ng iyong budget.

Magpakitang gilas – Kung naglalambing siya sa’yo na bitbitin mo ang ilang kanyang mga gamit, maaari mo naman itong gawin, ngunit kung hinihiling niya na dalhin mo ang mga gamit niyang kasing dami ng isang truck, hindi masamang ito ay iyong tanggihan.

Kung may gagawin, tiyakin na ito ay iyong kayang tapusin – Anuman ang iyong dahilan, kung ikaw ay may proyekto o organisasyon na  sinimulan, huwag mo itong iiwan ng hindi tapos, dahil magkakaroon ng “impression” ang mga babae sa iyong paligid na maaaring bigla ka na lang huminto sa inyong relasyon.

Yakapin siya sa tamang lugar/oras – Kung ikaw ang tipo ng lalaki na hindi talaga malambing, bakit hindi mo praktisin ito? Maaari mo siyang yakapin habang siya ay nakatagilid o kaya ay kapag may nakita kang magandang pagkakataon para gawin ito. Ang mga babaeng kulang sa yakap ay napapalayo sa kanyang mister/ boyfriend.

vuukle comment

ANUMAN

HUWAG

IYONG

KUNG

MAAARI

MAGPAKITANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with