^

Para Malibang

Biyuda, nais mag-asawa muli

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa akong biyuda at nagtatrabaho sa isang pabrika sa Navotas. Namatay ang mister ko may 2 taon na ngayon dahil sa aksidente sa motorsiklo. Mula noon ay pinalaki kong mag-isa ang dalawa kong anak. Mahirap dahil madalas kaming kinakapos. Mabuti at tumutulong sa akin ang aking mga magulang. Nahihiya na rin ako sa kanila pero wala naman akong ibang mapagkukunan. Mayroon akong manliligaw ngayon. Sabi niya handa niya akong pakasalan at dalawa kaming magpapalaki sa aking mga anak. Isa rin siyang biyudo pero walang anak. Iniisip ko na kung sasagutin ko siya, malaking tulong siya sa akin. Dapat ko ba siyang sagutin? - Joy, 27

Dear Joy,

Kung mahal mo ang manliligaw mo ay walang masamang sagutin mo siya at tanggapin ang alok na pagpapakasal. Ngunit kung ang iniisip mo lang ay para may makatulong ka sa pagkalinga sa iyong mga anak, hindi tamang motibo iyan. Kaya timba­  ngin mo ang iyong damdamin. Kung may pag-ibig, go for it. Kung wala, forget it dahil baka magsisi ka lang pagdating ng araw.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

DAPAT

DEAR JOY

DEAR VANEZZA

INIISIP

ISA

KAYA

MAHIRAP

MAYROON

MULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with