^

Para Malibang

‘Sinner or saint? (21)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

WANG-WANNG-WAAANGG. Palapit na sa lugar ng aksidente ang police car, kasunod ang ambulansiya.

Si Generoso ay mabilis nang nakalayo doon, tatakasan ang krimeng ginawa. Kaydaming pinatay ng Berdugong Maawain.

Nanggilalas ang mga pulis nang maunawaang ang ilan sa mga sugatan ay binaril hanggang sa mamatay. Pawang sa ulo ang tama ng mga biktima.

Isang nag-aagaw buhay na matandang lalaki ang nakapagturo sa pumatay. “D-Doon nagpunta…kotseng pula…n-namaril siya…”

Nalagutan na ito ng hininga.

Itinuro ng mga motoristang nag-uusyoso ang direksiyong tinungo ng kotseng pula. Sa ga­wing norte ng highway nga, tama ang namatay na saksi.

“Habulin! Harangan ang mga puwedeng labasan ng taong ‘yon!” Nag-utos agad ang hepe sa mga tauhan.              

Sa accident site, naging abala ang ambulansiya sa pagsaklolo sa mga sugatan at malulubha; klaro na kaydaming binaril habang agaw-buhay.

BROOOM.  Lalong pinabilis ni Generoso ang pagpapatakbo sa kotse. Tatakasan niya ang batas. Sa isip niya’y alam na hindi siya mauunawaan ng sinumang kapwa-tao.

WANG-WAANG-WAANNNGG.

Nakita niya sa rear-view mirror ang police car, tinutugis na siya. 

Tumawag siya sa mga pinatay. “Mang Juan! Nanang! Corazon! Mga aso at pusa! Tulungan n’yo akong makapagtago! Multuhin n’yo ang mga pulis! Iligaw n’yo sila!”

HINDI siya tatantanan ng mga pulis. Determinado ang mga ito na mahuli siya.

Tumawag na ng suporta ang team leader. “Pulang kotseng palapit na diyan sa inyo! May armas ang suspect! Harangan ninyo! Over!”

“Corazon! Mang Juan! Nanang! Multuhin n’yo ang mga pulis!” Ulit-ulit na nanawagan si Gene­roso sa mga pinatay niya. “Tumanaw naman kayo ng utang na loob!”

May mga humarang sa daan ni Generoso—mga tao at hayop na pamilyar sa kanya. “Holy shit! Nabuhay sila!”

Ang ‘sila’ ay sina Mang Juan, Nanang, lima pang matatanda at isang magandang teenager, mga aso at pusang gala. At si Corazon.

Hindi maaatim ni Generoso na sagasaan ang mga ito. Kaylakas ng ingit ng kanyang preno. SCREEECCHH. (Dalawang Labas)               

vuukle comment

BERDUGONG MAAWAIN

CORAZON

DALAWANG LABAS

GENEROSO

HARANGAN

MANG JUAN

NANANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with