^

Para Malibang

‘Sinner or saint? (20)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NILAPITAN ni Generoso ang lalaking duguan, siguro’y 50 anyos, matabang maputla, hula niya’y manginginom. “Bigan, warak ang tiyan mo, hindi ka na aabot sa ospital…”

“Tumawag ka…ng tulong…utang na loob…” Nakikiusap ito, nakalatag na ang katawan.

KATSAK. Ikinasa ni Generoso ang hawak na baril. “Naaawa ako sa kalagayan mo. Napakaraming dugo ang nawawala sa iyo… Sikapin mong magdasal bago kita papuntahin sa Kabila…”

“Huwag…ayoko pang…mamatay…”

TSUG. Bumuga ang baril na may silencer.

Natahimik agad ang lalaking duguan. Patay.

Tatlo pang sugatan ang nakita ni Generoso. Isang babaing putok ang ulo, halos mahiwalay sa bisig ang kamay; ang isa pa ay teenager na babae--maganda pero naghihingalo, naipit ng bumaligtad na dyip; ang pangatlo ay isang security guard na babae, napakalalim ng sugat sa leeg.

Awang-awa na naman sa mga ito si Generoso. Natitiyak niyang wala nang pag-asang mabuhay ang mga ito.

TSUG. TSUG.TSUG.  Tatlong beses na namaril si Generoso. Inuna ang magandang teenager. Isinunod ang security guard na babae. Panghuling binaril ang babaing putok ang ulo at mapuputol na ang kamay. Nakita siya ng driver ng trailer. Malubha rin ito pero buhay pa, naipit sa manibela. “Walanghiya kaa…bakit ka namamaril?”  Nilapitan ito ni Generoso. “Tinulungan ko silang mapadali ang pagpunta kay Lord.”

Sinusuri ni Generoso ang kalagayan ng driver, hawak ang baril.

Natunugan ng driver ang nais niyang gawin. “Gago kaaa…hindi pa ako…mamamatay.”

“Naghihingalo ka na…tinutulungan lang naman kita.” Iniumang ni Generoso ang baril, sa noo ng driver.

“Hu-hu-huuu... Mumultuhin kita…”

TSUG.

Patay agad ang driver.

May mga motoristang nagsitigil, palapit.

Padating na rin ang police mobile. WANG-WANG-WANNNG.

Mabilis nang nagbalik si Generoso sa kanyang kotse. Humagibis agad, palayo.

 (TATLONG LABAS)

vuukle comment

AWANG

BIGAN

BRVBAR

BUMUGA

GAGO

GENEROSO

HU

HUMAGIBIS

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with