^

Para Malibang

Magkaibang relihiyon

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Lizette, 26, at may bf. Pinag-uusapan na namin ang aming kasal pero may mga nagpapayo sa akin na mag-reconsider. Ang dahilan ay ang pagkakaiba namin ng relihiyon. Sarado-Katoliko po ako at siya ay isang born-again. Pinipilit ako ng bf ko na magpalit ng relihiyon para kami maikasal. Mabait siya at talagang mahal ko siya kaya sa kabila ng pagkakaiba namin ng paniniwala ay minahal ko siya. Isang taon na kami at ngayong nagyayaya na siyang magpakasal ay saka ako nalagay sa isang confused stage. Sabi ng mga magulang ko, nasa akin daw ang desisyon dahil nasa right age na ako. Pero parang hindi ma-take ng conscience ko na magpalit ng relihiyon at the same time, parang ayaw kong mahiwalay sa bf ko na masyadong mahal ko. Please help me po.

Dear Lizette,

You cannot have the best of both worlds kung ganyan ang damdamin mo na hati. Lahat tayo’y may kalayaang pumili ng ano mang bagay sa ating buhay. Kasama na riyan ang relihiyon at kung sino ang gusto nating ma­ging asawa. Kung ang pag-aasawa mo’y hadlang sa’yong pananampalataya, pumili ka…relihiyon o ang iyong bf. Mahirap kung ang mag-asawa’y magkaiba ng paniniwala. Pumayag man siya o ang kanyang relihiyon sa mixed marriage o papayagan kang manatiling Katoliko, magkakaroon ng confusion ang inyong magiging anak kung anong relihiyon ang tama at dapat aniban. Kung mas matimbang ang iyong nobyo, pakasalan mo pero sumapi ka sa kanyang relihiyon. Kung mas mahalaga naman sa’yo ang relihiyon, talikdan mo ang bf mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

DEAR LIZETTE

DEAR VANEZZA

ISANG

KASAMA

KATOLIKO

KUNG

LAHAT

LIZETTE

RELIHIYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with