^

Para Malibang

Bukol sa ‘private part’

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Minsan sa pagbubusisi natin ng ating katawan, may nadidiskubre tayong bukol sa kung saang bahagi ng ating katawan. Ang iba ay biglang ka­kabahan at iisiping kung ano  ito. Minsan, may madidiskubre tayong bukol sa ‘private part’ na madalas
nating iniinspeksiyon lalo na kapag naliligo. Kung may bukol at sa tingin ninyo ay hindi ito normal, makabubuting ikonsulta ito sa doctor dahil ang anumang bukol ay puwedeng genital warts o kung anuman na dapat gamutin. Gayunpaman, ayon sa embarrassing problems.com, mayroon ding mga normal na bukol  pero mayroon ding di normal na bukol na tumutubo sa penis at scrotum na kailangan ng treatment. Mga bukol sa penis na normal. Malaperlas na bukol na parang taghiyawat—Karaniwang lumalabas ito sa may bahagi ng ulo ng penis. Madalas ay mga teenagers ang nagkakaroon nito. Napapagkamalang warts ito o isang infection na minsan ay
tinatangkang tirisin o pisilin. Sa katunayan, ang mga ito ay normal na maliliit na glands… huwag pakialaman.

Lymphocele – Ito ay isang matigas na pamamaga na lumalabas pagkatapos ng sexual intercourse o masterbation sa katawan ng penis malapit sa ulo ng penis. Ito ay sanhi ng pansamantalang pagbabara ng lymphatic channels at may ulo ng penis.  (Itutuloy)

BUKOL

GAYUNPAMAN

ITUTULOY

KARANIWANG

MADALAS

MALAPERLAS

MINSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with