^

Para Malibang

Kung si kuya ay nakipagrelasyon kay Adan

Pang-masa

Minsan, nagugulat ka na lang kapag nadidiskubre mong nasasangkot sa isang “affair” ang iyong mister. Ngunit mas magugulat ka kung madidiskubre mong ang iyong mister ay mayroon palang relasyon sa kanyang kapwa lalaki.  Paano mo ba malalaman kung ang iyong mister ay mayroong relasyon sa kanyang kapwa lalaki? Narito ang ilang paraan:

Maging alerto sa kanyang ugali pagdating sa sex –Maaaring noong bagong mag-asawa pa lang kayo ay masasabi mong “terrific” siya pagdating sa kama, ngunit ngayon ay napansin mong bigla na lang siyang nawalan ng gana sa’yo at nagbibigay ng dahilan gaya ng pagod siya, inaantok, masakit ang ulo at kung anu-ano pa, para lamang makaiwas sa iyo. Umiiwas na rin siya sa’yo kapag nagbibigay ka ng “clue” na nais mo siyang maka-love-making. Ayaw ka na rin niyang halikan at romansahin at tanging ang gusto niya lamang ay “oral sex”. Kapag ganito ang mga nakikita, mas mabuting medyo alarmahin ang sarili.

Analisahin kung may pagbabago sa kanyang gusto pagda­ting sa inyong posisyon – Kung gumagawa ng anomalya ang inyong partner at posibleng pinagpalit ka niya sa isang lalaki, malaki ang pagbabagong magaganap sa gusto niyang maging posisyon kapag kayo ay nagla-love-making. Maaaring ang gawin niyang posisyon ay ‘yun hindi niya makikita ang iyong mukha upang hindi siya ma-guilty. 

Alamin ang kanyang mga gawain – Pag-aralan mo ang kanyang mga nagiging aktibidad at mga nahihiligan. Kung nahihilig siya sa mga magazines o pictures  ng mga lalaki o bakla, naku! Dapat ka ng maalarma, malaki ang posibilidad na siya ay nakipagrelasyon na sa isang bading o kapwa-lalaki.

Mga kaibigan sa bar – Lumalabas ba siya kasama ang kanyang mga kaibigan sa bar? Diskubrehin mo kung ang kanyang mga kasama ay tunay na lalaki o mga bading. Kahit pa itanggi niya na hindi siya bading, hindi mo ito dapat paniwalaan agad bagkus ay patuloy na pag-aralan ang kanyang kilos at saka mo siya kausapin kung patuloy na kinakikitaan ng mga senyales na siya ay nakikipagrelasyon sa bading.

Pananamit – Kung si mister ay nakikipagrelasyon sa kanyang kabaro, maging ang kanyang pananamit ay mababago. Kung dati ay mahilig lang siya sa “neutral color”, ngayon ay nagiging mahilig siya sa mga gamit o damit na medyo “feminine” ang dating.

vuukle comment

ALAMIN

ANALISAHIN

AYAW

DAPAT

KANYANG

KUNG

MAAARING

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with