^

Para Malibang

‘The Rainbow (3)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

ZERO visibility, malakas ang ulan at gabi na. Hindi nakita ni Mildred ang detour sign, tuluy-tuloy siya sa putol na tulay, bumulusok ang kotse sa malalim na dagat. Swaasshh.

Lumubog agad.  Blub-blub-blubukk.

Walang kaalam-alam sa bahay ang mag-amang William at Tamara. Ano ba ang nangyari kay Mildred? Bakit gabi na ay hindi pa kumokontak?

Sa paglipas ng oras ay nagtatanung-tanong na si William sa posibleng nakakaalam kung nasaan ito, kung ano ang nangyari. Mga kaibigan ni Mildred sa trabaho, field office, police stations.

Walang makapagsabi kung nasaan na si Mildred.

Iyak na nang iyak si Tamara; mamatay-matay na sa pag-aalala si William. Parang sementeryo sa lungkot ang bahay.

Sa pang-apat na araw pa nalamang si Mildred ay namatay sa ilalim ng dagat, sa loob ng minamaneho nitong kotse.

Ibinurol si Mildred sa malaking bahay. Kaydaming nakiramay.

Isinunod ang li­bing sa family mausoleum. Nanatiling hindi maka­bawi sa lungkot ang mag-amang naulila ni Mildred.

HALOS isang taon pa bago nakabalik sa normal na buhay sina Tamara at William. Masigla na sa elementary school si Tamara, hatid-sundo ng ama.

“Daddy, kinausap po ako last night ni Mommy.”

“That’s alright, anak. Nanaginip ka.”

“No, Daddy. Hindi panaginip. She actually came and spoke to me.”

Napaunat ang ama, ihininto ang panonood ng TV. “Tamara, ang patay ay hindi na nakababalik. It must be your imagination.”

Bumuntunghininga ang bata, iginalang ang sabi ng ama. “Sabi lang po naman sa akin ni Mommy, huwag akong mag-alala. Masaya raw po sa pupuntahan ko…”

“Saan ka raw ba pupunta?”

“Sa dulo raw po ng rainbow.”

Napakunot-noo si William. Ano ba ang sasa­bihin niya sa anak na musmos pa?

“Tamara, alam mo ‘yung subconscious natin—gumagawa talaga ‘yan ng mga istorya, na akala natin ay totoo…”

“Excited po naman ako. Baka nando’n din sa end of the rainbow si Mommy!”  (ITUTULOY)

vuukle comment

ANO

BAKIT

BUMUNTUNGHININGA

IBINUROL

ISINUNOD

IYAK

MILDRED

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with