^

Para Malibang

GHOST LAKE (23)

Pang-masa

NAGSIAHON mula sa Camachile Lake sina Paolo, Miss Santos at Dolores. Tinakbo agad ng dalawang dalaga ang bihisang naiwan sa beach, magsisipagbihis nang madalian. Si Paolo ay nahuhuli, itinatago ng mga kamay ang katawan.

Noon biglang bumaha ng liwanag mula sa malaking flashlight ng kung sino.  Natanglawan ang tatlo sa kahiya-hiyang kalagayan.

Nasilaw sina Dolores at Miss Santos, hindi malaman kung paano ikukubli ang kahubaran.

“Anong milagro ang pinaggagawa n’yo rito, ha?” tanong ng malaking tinig na pamilyar na kay Paolo.

“Napakabastos mo! Huwag mo kaming tang­lawan!” sigaw ni Miss  Santos, galit na galit, piniling tumalikod.

Si Dolores ay piniling ihantad ang lahat-lahat. “Mag-enjoy ka, habang may oras pa!”

“Wow! Puwede kang centerfold ng men’s magazine, miss!” sigaw ng naka-flashlight, si Dolores ang pinatutungkulan.

Sina Miss Santos at Paolo ay pareho nang nakatalikod.

Sigaw uli si Miss Santos. “Reporter ako! Sino kang bastos ka?”

“Si Obama!” sagot ng naka-flashlight, humalakhak.

Sumigaw na rin si Paolo. “Kilala kita, hepe! Harassment na itong ginagawa mo!”

“Ulul ka, Bulaong! Kayong tatlo ay isasama ko sa dapat ninyong kalag­yan!  Bawal sa bayang ito ang mga kahinahinalang kilos sa hatinggabi, laluna kung kayo’y nakahubo’t hubad!” sigaw ng naka-flashlight. Nakatakip ng maskara ni Barrack Obama ang mukha nito at ng tatlong tauhan.

Bago pa nakasigaw sina Miss Santos at Dolores ay naispreyan na sila ng pampatulog. Agad na nawalan ng malay si Miss Santos habang si Dolores ay nanatiling nakatayo, hindi tinablan.

Si Paolo ay hindi nakapalag; dalawang palo ng batuta ang nagpatahimik sa binatang makabayan.

“Boss,  gising pa rin ‘tong isang seksi!”

“Takpan ang bibig! Bitbitin sa sasakyan!” utos ng lider.

Binihisan ng mga tarantado ang dalawang babae.

Ewan kung napansin nila ang kakaibang hugong ng Camachile Lake. Wuuung. Wuunngg. (ITUTULOY)

vuukle comment

BARRACK OBAMA

CAMACHILE LAKE

CAMACHILE LAKE. WUUUNG

MISS

MISS SANTOS

SANTOS

SI DOLORES

SI PAOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with