^

Pang Movies

Dennis, sinagot ang papansin isyu sa social media

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Dennis, sinagot ang papansin isyu sa social media
Dennis

Dedma na lang si Dennis Padilla sa akusasyong ginagamit niya ang kanyang mga anak para magpapansin sa social media.

Aniya ay inirerespeto niya ang bawat opinyon ng mga tao positibo man o negatibo. “Respeto na lang din natin iyong mga negative or positive opinions. Respect their opinions. Pilipino tayo, nagbibigayan tayo ng respeto sa opinyon ng bawat isa,” saad ng actor/comedian nang makausap ng ilang members of the press sa star-studded na Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show 2026 na ginanap last Thursday (July 30) sa  Shangri-La Hotel, Mandaluyong City.

Dagdag pa niya, “Never naman ako nagpaparinig sa social media. Nagpo-post ako, ano ba ang mga posts ko? Happy birthday. Merry Christmas. Happy Valentine’s.”

Tungkol sa pagpapalit ng mga apelyido mga anak niyang sina Claudia and Julia from Baldivia to Barretto, masakit man daw ito para sa kanya, tanggap naman niya na hindi niya kayang saklawan ang desisyon ng mga ito lalo pa’t nasa hustong pag-iisip na ang mga ito. “Well, ganu’n naman talaga. Habang tumatawid ka sa mga pagsubok, kailangan tawiran mo lang siya with dignity, tawiran mo lang siya nang buong tapang,” saad niya.

“Sigurado akong nababasa naman ng Panginoon kung ano ang laman ng puso mo,” dagdag niya.

Bilang isang ama, maligaya na raw siya kung masaya ang kanyang mga anak. “All of them are adults. They can decide (para sa sarili nila). Sabi ko nga, sa magulang, kung ano man ang desisyon na iyon, kapag masaya ang anak, automatic, masaya ang magulang,” aniya.

Sa ngayon, hiling niya na magkausap sila ng kanyang mga anak kay Marjorie Barretto sa mga darating na araw.

“I’m still hoping na sana before September magkausap man lang kami,” aniya.

Sa tanong kung nagtatampo pa ba siya sa kanyang mga anak, “Hindi na. Kasi ano ‘yan, eh, acceptance ba.”

AIAI naimbyerna sa airline, 10 years nang organic ang kinakain!

Naloka si AiAi delas Alas sa isang airline company dahil sa matagal na oras na pagkaka-delay ng kanyang flight.

Ibinahagi ng Comedy Queen sa kanyang Instagram page ang video niya na nakatengga siya sa airport at nakasalampak sa sahig habang naghihintay ng paglipad ng eroplano na apat na beses naurong ang flight.

Makikita rin sa video na idinaan na lang niya sa tawa ang kanyang pagkainip.

“Ano na american airline kamusta naman haha... ilang beses na delay dapat 6:48, tapos 8:44 tapos 9:05 tapos9:16 ...” hanash ng komedyana sa caption.

Pati ang departure gate raw nila ay paiba-iba at apat na beses din silang palipat-palipat.

Mabuti na lang daw at bihira na siyang magalit dahil puro organic na ang kinakain niya pero aminado siyang naloka siya talaga. “Una salamat sa nanay Justa ko kasi napag aral nya ko Hindi ako mang mang nag mag hanap ng gate ... Pootek nayan ano na ganito nalang .. kalokaaaa.. 10 years nako organic kinakain ko bihira nako magalit at maasar kalmado na ko pero sa point na ito parang d na kinakaya nakakaramdam nako ng inis ahhhhh,” say ng Comedy Queen.

 

DENNIS PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with